^

Pang Movies

Bahay ni AiAi kailangan ng bantay

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Bahay ni AiAi kailangan ng bantay

Mahirap din talagang maging mayaman, prone ka at target ng mga magnanakaw. Tingnan mo nga si AiAi delas Alas at napasok ang bahay niya ng masamang loob. Buti na lamang at isang bag lamang niya ang natangay nito. Itinapon pa ito ng magnanakaw matapos makuha ang laman. Anong paki ba nito kung branded ang bag, yung laman nito ang habol niya. Wala bang security ang house ng komedyana? Let this be a lesson sa maraming artista.

Tiyakin na mapagkakatiwalaan ang nagbabantay sa inyo at sa ari-arian niyo. Better be safe than sorry,

Gabbi wala nang atrasan sa stardom

After her heartbreaking pagtahak sa stardom na nagresulta sa kamatayan ni Eddie Garcia kaya hindi na itinuloy, susubok muli si Gabbi Garcia sa isang project, her next most important assignment, ang Beautiful Justice mula sa GMA7.

Isa itong action series na kung saan ay dapat sanay siya at mahusay sa baril at sa paggamit nito. Nakagawa naman ng isang movie para sa Pista ng Pelikulang Pilipino ang magandang Kapuso artist kapareha ang real life boyfriend niya na si Khalil Ramos who has supported her matapos ang kanyang dismal launch. 

ASAP biyaheng Rome sa November

Nasa Rome, Italy naman ang ASAP sa Nov. 16, 2019. Isa na namang magandang pagkakataon para makitang muli ng mga OFWs natin dun ang mga ipinagmamalaki nating artists, mula kina Regine Velasquez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Birit Queens, Zsazsa Padilla, TNT Boys at ang ipinagmamalaking loveteams. Hindi lamang sa Pinas hataw ang mga ASAP performers, pati rin sa ibang bansa napapanood ang drama at musical performances sa TFC (The Filipino Channel).

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with