^

Pang Movies

Marian walang planong tantanan ang pagpapa-dede

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian walang planong tantanan ang pagpapa-dede
Marian Rivera

Pormal nang magbabalik si Marian Rivera bilang host ng award-winning drama anthology na Tadhana. Kasunod naman nito ang pagbabalik niya sa Sunday Pinasaya next month.

Ano ang naramdaman niya nang iwan niya ang dalawang anak para sa mediacon ng Tadhana?“Okay lang. Nakakundisyon na naman ako eh. After this uwi na ako. Mabilis lang. Eh tulog naman ngayon. Tapos si Zia galing school,” pahayag ni Marian.

Kamakailan lang, bumwelta si Yan sa bashers niya dahil sa pagpapakain niya ng solid food sa bunsong anak.“Bilang pasintabi at respeto sa kapwa ina na nagtanong sa akin eh sinagot ko siya nang maayos.

“Bawat ina eh may kanya-kanyang sitwasyon, kanya-kanyang pagpapalaki ng anak. Kung ano ang gusto kong pagpapalaki sa anak ko, it’s my role. Kanya-kanya tayo,” rason ni Yan.

Dagdag niya, “Minsan kasi, ‘yung pediatrician ko, ina-allow niya si Ziggy na kumain ng solid food so nagpakain ako ng solid food which is allowed naman sa WHO na dapat pinapakain ang isang bata six months pataas pero ang anak ko is five months pa lang. Pinahintulatan ng pediatrician ko, small amount.

“But ang breast milk pa rin ang pinaka-best na source ng food. Kumbaga, ini-introduce ko lang sa bata ang solid.

“Baka raw nagbibigay ako ng maling impormasyon, okay sasabihin ko lang, wala namang anak o ina na gustong mapahamak ang anak. Ikaw bilang isang ina, gagawin mo ang lahat para sa anak mo, pagmamahal. Alangan namang ipahamak mo ang anak mo!

“Pero nirerespeto ko ‘yon. Kung sa kanya, ang information niya ay six months pataas, okay, fine. Pero heto ako, ito ang gusto ko, ito ang gagawin ko.

“Hindi naman porke nagpakain na ako ng solid eh bibitawan ko na ang breastfeeding. No, definitely no! Hangga’t kaya ko, hangga’t may lumalabas, gagawin ko.

“Wala akong nakikitang masama pero sabi ko nga, kanya-kanya tayong pagpapalaki sa anak. Irespeto natin ang bawat isa bilang isang ina!” diin ni Yan.

Anyway, month-long ang aniber­saryo ng Tadhana sa buwang ito at ngayong Sabado, Setyembre 7, mapapanood ang Serial Killer na episode na pagbibidahan nina Rhian Ramos at Benjamin Alves na susundan ng episode ni Lovi Poe na CEO Maid.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with