^

Pang Movies

Bagong bahay ni Julia iniintriga

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bagong bahay ni Julia iniintriga

Pagkatapos maki-party sa Sweet Sixteen ni Lorin Bektas, ang paglipat naman sa kanyang bagong bahay ang pinagkakaabalahan ni Julia Barretto.

Though hindi siya kasama ni Joshua Garcia sa bagong endorsement ng ex para sa isang fastfood chain na originally diumano ay sa kanilang dalawa (bago pumutok ang ghosting issue ni Gerald Anderson sa kanya), handa na siyang mamuhay mag-isa.

Pero ilang hakbang lang pala ito sa layo ng bahay ng kanyang mommy Marjorie Barretto. “I went to do a little shopping since I am already moving into my new home.

“Fun fact: I will only transfer a few steps away from my mom’s house. People often find it weird and usually ask me, “why?” and I simply answer, “why not?” My mom is my bestest friend and my number one source of strength. Even though, she has raised me to be independent and brave, I still don’t see any reason why I should be far away from her.

“Sa totoo lang, kailangan ko pa rin siya. At least, I still get to have breakfast, lunch and dinner at her place. Makakatipid pa rin ako sa ulam at kanin.  Sorry mom,” sabi nito kahapon sa pasilip sa harapan ng kanyang bagong tayong bahay.

Open for positive comments ang nasabing IG post ng young actress pero may nakakalusot pa ring negative na bakit daw puro mama niya ang nababang­git at bakit hindi man lang niya pasalamatan ang kanyang daddy Dennis Padilla.

Anyway, aware din kaya si Julia na iniintriga rin ang nasabi niyang bagong gawang bahay?

Bagong ABS-CBN serye eere na 

Pupukaw sa mga manonood ang bagong Kapamilya serye na Pamilya Ko na magpapakita sa pagsubok ng hinaharap ng bawat pamilya—mula sa pagtataksil, away-kapatid, at trahedya—at ang mga bagay na magbubuklod sa kanila—pagpapatawad, pagtanggap, at pagmamahal.

Magsisimula ito sa Sept. 9,  sundan si Chico (JM De Guzman), ang kanyang mga magulang na sina Fernan (Joey Marquez) at Luzviminda (Sylvia Sanchez), at ang kanyang mga kapatid—sina Beri (Kiko Estrada), Apol (Kid Yambao), Persi (Jairus Aquino), Peachy (Maris Racal), Lemon (Kira Balinger), Cherry (Mutya Orquia), at Pongky (Raikko Mateo)—sa kanilang pagharap sa mga problemang susubok sa kanilang pagmamahal sa pamilya.

Responsableng panganay na anak si Chico, ngunit isang trahedya ang maglalayo kay Chico mula sa kanyang pamilya na siya ring dahilan para ilagay siya ng kanyang mga magulang sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Sa kabila ng malagim na nakaraan, susubukan pa rin ni Chico na mapalapit sa kanyang magulang at mga kapatid. Pero agad ding mauudlot ang kanilang saya dahil isang sekreto ang mabubunyag na gugulo sa kanilang buhay: may ibang babae ang kanilang amang si Fernan. Dito uusbong ang iba’t ibang problemang susubok sa katatagan ng pamilya Mabunga at maging sa pagkatao ni Chico. Puno man ng pagsubok, makakasama naman ni Chico si Betty (Arci Muñoz), ang matalik niyang kaibigan na kasangga niya sa lahat ng laban.

Mapanatili pa rin kaya ang pagmamahal sa kanilang puso at pilitin pa ring mabuo ang kanilang pamilya?

Kasama rin sa dekalibreng cast ng Pamilya Ko  sina Irma Adlawan at Alyssa Muhlach. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raymund Ocampo.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with