^

Pang Movies

Mas abala sa BTS, Arci hiwalay na sa non-showbiz boyfriend!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sa presscon kahapon ng Pamilya Ko ay napaamin si Arci Muñoz na single na ulit siya ngayon at wala na sila ng non-showbiz boyfriend na si Anthony Ng. May ilang buwan na rin daw silang break at hindi na niya sinabi ang reason kung bakit. Basta ang masasabi lang niya ay mababaw lang daw.

May nagtanong ba kung ang pagiging K-pop fan ba niya ang dahilan at ani Arci ay hindi raw naging supportive naman daw sa kanya ang ex-bf sa lahat ng bagay. Hindi rin daw ang kanyang pagiging artista at lalong wala raw third party.

“It’s just really... maybe it’s not the right time,” matipid niyang sagot.

When asked kung may chance pa ba ng reconciliation, sagot ni Arci na ikinatawa namin, “I don’t know, eh, kasi masaya ako kay Park Ji Min (member ng phenomenal Korean boy group na BTS).”

May pumuna na mukha naman siyang hindi malungkot at aniya, ayaw na lang daw niyang maging malungkot pa at ang pampasaya niya ay ang BTS.

“Sobrang obsessed ako sa BTS ngayon, stress-reliever ko sila ngayon, eh. Sila lang talaga,” sey ni Arci.

Bukod sa BTS ay sobrang busy rin daw niya ngayon at may bago nga siyang drama series. Balak din daw niyang mag-aral ng Korean language dahil hindi raw marunong mag-English ang BTS members.

“Kaya ako na po ang maga-adjust,” natatawa niyang sabi.

Siguro raw ay talagang hindi sila para sa isa’t isa ng ex-dyowa at sey pa niya, “everything happens for a reason, ‘yun na lang po ‘yung parang what consoles me. I think na you know, God has purpose.”

Samantala, sa Pamilya Ko ay ginagampanan ni Arci ang papel na Betty na best friend ng karakter ng lead actor na si JM de Guzman. Kasama rin sa serye sina Sylvia Sanchez, Joey Marquez, Kid Yambao, Jairus Aquino, Maris Racal, Kira Balinger, Mutya Orquia at marami pang iba.

Miles nag-enjoy sa pang-aapi

Si Miles Ocampo ang bibida sa episode ng Ipaglaban Mo titled Disiplina na mapapanood ngayong Sabado, Aug. 31.

Ayon sa aktres, first time raw niyang gumanap na kontrabida at nang-aapi.

“Kasi, madalas po, ako ‘yung ina­api. Sabi ko, ‘ay nakakapagod pala na mang-api, mas masarap pala ‘yung ilag ka lang nang ilag. Mas nakakapagod pala ‘yung ikaw ang nanghahampas. Pero masaya, masaya ang experience,” sabi ni Miles sa panayam niya sa Kapamilya Chat online.

Sa kuwento ay teacher siya at bubugbugin niya ang kanyang isang estudyante na ginagampanan ni Raikko Matteo. Sa nasabing eksena ay hirap na hirap daw siya dahil ang cute-cute raw ng kanyang ka-eksena and yet, kailangan niyang saktan.

Sa mga past episodes ng Ipaglaban Mo, si Miles pa rin ang may hawak ng highest-rating at ito ay ang Kasambahay noong 2017 na nagtala ng 22.9% at siyempre, happy ang aktres at sana nga raw, kung hindi man malampasan ay mapantayan naman daw nitong Disiplina episode ang ratings ng una niyang episode.

vuukle comment

ARCI MUñOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with