^

Pang Movies

Tonton at Glydel open sa sexual orientation ng mga anak

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Tonton at Glydel open sa sexual orientation ng mga anak

Nagulat ako Salve sa sinabi ni Tonton Gu­tierrez sa kanyang contract signing bilang celebrity ambassador ng Beautederm ni Rhea Tan.

Ikinuwento ni Tonton na kinausap nito ang kanyang 15-year-old daughter na si Aneesa dahil napagdudahan niya na tomboy ang bagets.

Football at soccer ang favorite sports ni Aneesa na palaging pants ang suot dahil ayaw niya ng skirt.

Biniyayaan si Aneesa ng malaking boobs pero iniipit niya at naiinis siya dahil masyadong well-endowed ang kanyang dibdib.

Dahil nga very close ang mag-ama, nag-decide si Tonton na itanong kay Aneesa ang sexual orientation nito.

Para kay Tonton, walang problema kung tomboy si Aneesa. Basta ang gusto nila ni Glydel, ma­ging open sa kanila ang mga anak nila.

Sinagot naman ni Aneesa ang tanong ni Tonton. Ang sabi niya, “No Dad, I am a girl.”

Gusto lang ni Aneesa na pants ang kanyang isuot at talagang soccer and football ang sports na hilig niya.

Ang ganda naman ng pananaw nina Tonton at Glydel, ang openness na tanggapin kung anuman ang sexual orientation ng kanilang anak at  ang open communication nila sa isa’t isa.

Parehong babae ang dalawang anak nina Tonton at Glydel, si Anee­sa at ang 7-year-old na si Aneeka. Happy family sila at sana manatili na ganoon ang kanilang pamilya.

Papasok na rin sa showbiz si Aneesa dahil susubukan nito ang propesyon ng kanyang lolo, lola, nanay at tatay.

Nasorpresa sina Tonton at Glydel nang pumayag si Aneesa na umapir sa isang pelikula. Si Wowie Roxas na discoverer ni Glydel ang nagkumbinsi kay Aneesa na mag-artista sa pelikula na tatampukan ni Derrick Monasterio.

Sure ako na magiging magaling na artista si Aneesa dahil showbiz royalty siya. Mga award-winning actor ang kanyang lolo na si Eddie Gutierrez, lola Liza Lo­rena at siyempre, ang mga magulang niya na sina Glydel at Tonton.

Nag-promise naman si Aneesa na kahit mag-artista siya, ang pag-aaral pa rin ang kanyang priority.

Tutok na pag-aalaga sa mga anak, malaki ang advantage

Nakikita ko na ngayon ang advantage ng hands on ang pag-aalaga sa bata tulad nang ginagawa nina Tonton at Glydel sa kanilang mga anak.

Si MJ na anak ng kasama ko sa bahay na si Mel, matalino at parang matanda ang pag-iisip sa kanyang edad na 9 years old.

Saka iba ang closeness niya sa kanyang ina. For sometime nga, I feel guilty dahil hindi ko nagawa ‘yon sa dalawang anak ko dahil buhay pa noon ang nanay ko.

Siya ang nag-aalaga sa mga anak ko dahil busy ako sa trabaho. Hindi ko nakita ang growing up years ng mga anak ko.

Ok naman sila nang lumaki but I envy ang closeness nina Mel at MJ, ang total trust ni MJ sa mama niya at ang sweetness nila sa isa’t isa.

Malaking bagay din na physical ka sa show of emotions. Every now and then, you hugged and kissed your child.

Magandang tingnan na out of the blue, hinahalikan ka ng anak mo at niyayakap. Lucky Mel, sweet MJ.

vuukle comment

TONTON GU­TIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with