^

Pang Movies

Anne magbebenta ng preloved clothes sa VivaCon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Anne magbebenta ng preloved clothes sa VivaCon

Promo day today sa second day ng 2019 VivaCon na ginaganap sa World Trade Center dahil darating sina Anne Curtis at Marco Gumabao na magpo-promote ng Viva Films movie na Just A Stranger. Darating din sina Cristine Reyes at Xian Lim to promote their movie Untrue at sina Kim Molina at Jerald Napoles to promote Jowable.

Darating din si Sarah Geronimo to promote Because You Love Me, ito ‘yung Unforgettable dati ang title.

Na-tweet ni Anne na she’ll be selling some of her preloved clothes sa VivaCon at ang malilikom na halaga ay mapupunta sa UNICEF Philippines na kanyang tinutulu­ngan, kaya punta na sa last day ng VivaCon, mag-enjoy at bumili.

Speaking of Anne, nakuwento nito sa mediacon ng Just A Stranger  kung bakit hindi nanonood ng pelikula niya sa premiere night ang asawang si Erwan Heussaf.

Nanood daw minsan sa premiere night si Erwan at nagkataong may love scene si Anne sa leading man niya. Lahat daw ng katabi ni Erwan sa sinehan, tumingin sa kanya at tiningnan siguro ang kanyang reaction which makes him uncomfortable.

Kampante si Anne na hindi pagseselosan ni Erwan ang kissing scene at love scene nila ni Marco Gumabao ng movie  na showing sa August 21. Binabasa ni Erwan ang script ng Just A Stranger  na written and directed ni Jason Paul Laxamana at nagustuhan nito.

Frankie at Lorin tsika-tsika sa social media

Ang cute ng convo nina Frankie Pangilinan at Lorin Gutierrez na kinaaliwan ng mga nakabasa. Nag-post kasi si Lorin ng photo niya after ng screening ng Hello, Love, Goodbye na mugto ang mga mata at hulas ang make-up.

Sabi ni Frankie, ‘wag mag-alala si Lorin dahil reregaluhan niya ng water proof mascara at birthday gift na rin niya kay Lorin ‘yun na birthday kahapon.

May mga hindi makapaniwala na magkaibigan sina Frankie at Lorin dahil hindi sila madalas magkita at hindi naman barkada ang mom nilang sina Sharon Cuneta at Ruffa Gutierrez.

Kathryn abot langit ang pasasalamat

Nasa San Francisco si Kathryn Bernardo para sa ASAP nang matanggap ang balitang umabot na sa P110, 816, 906.08 ang box-office gross ng movie nila ni Alden sa Star Cinema na Hello, Love, Goodbye as of August 2. Bukod sa gross, showing na sa 450 cinemas ang pelikula. “Hindi ko alam kung ano pa yung puwede kong sabihin na higit sa salamat dahil sobra pong saya ng buong team ngayon,” pasasalamat ni Kathryn.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with