^

Pang Movies

Ate ni Heart ayaw tantanan kay Andrew Wolf

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate ni Heart ayaw tantanan kay Andrew Wolf

Hindi naman dapat na masali sa mga tsismis ang kapatid ni Heart Evangelista na si Camille dahil hindi naman siya artista. Hindi siya isang public property. Nagkataon nga lang na kapatid siya ng aktres. Nagkataon lang din na ang picture nila noong celebration ng birthday ng tatay nila ay inilabas ni Heart sa social media. Dahil lumabas iyon sa publiko, kung anu-ano nang tsismis ang lumabas.

Napakatinding tsismis, si Camille raw ay may asawa pero girlfriend ngayon ni Andrew Wolf. Pero teka tingnan muna natin ang paglilinaw na ginawa nila sa mga bagay na iyan.

Una, sinasabi ngang “technically single” si Camille. Inaamin naman nila na noong 2016 ay nagpakasal siya sa kanyang long time boyfriend na ang pangalan ay Martin Rosario, pero matapos ang kasal ay agad silang sinabihan na may problema ang kanilang mga papeles sa kasal. Inayos nila iyon, hanggang sa umabot pa doon sa point na kailangang muling pumirma ang mga witness sa kasal nila. Habang inaayos ang problema, sila namang dalawa ang nagkaroon ng problemang iba. Lumabas na nawalan sila ng interest na ayusin pa ang problema ng kanilang kasal. Sa ganyang sitwasyon, walang kasalang naganap. Single si Camille.

Sa kaso naman ni Andrew, maraming nabalitang nakarelasyon niya in the past pero wala siyang pinakasalan, kaya wala rin siyang sabit. Kung totoo man na nagkakagustuhan sila ngayon, walang problema, pero bakit nga ba may gumawa agad ng ganoong conclusion kung naging bisita lang naman si Andrew sa birthday celebration na iyon. Bakit naman gumawa sila agad ng ispekulasyon?

Minsan iyan ang hirap sa social media. May nailalabas tayo na hindi natin akalaing pag-iisipan pa nang masama ng ibang tao. At basta na nailabas na sa social media, wala ka nang karapatang sabihin na walang dapat mag-comment. Binuksan mo kasi sa publiko eh. At sino ang mananagot sa mga malisyosong comments na ganoon?

Friday screening walang konek sa box-office?!

Nadaan kami sa isang mall. Ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay walang dudang dinagdagan ng screening. Late na ang last screening nila at umabot yata sa pitong screenings sa sinehan na iyon. Obviously ginawa nila iyon dahil marami ang nanonood ng pelikula.

Bukod sa extended screenings, nagdagdag pa sila ng dalawang screening sa ibang sinehan. Naka-slide screening sila sa pelikula nina Michael V at Dawn Zulueta. Miyerkules iyon, doon sa mall lang na iyon may siyam silang screenings. Bakit nga ba sinasabi nilang kikita lamang ang mga pelikula kung magsisimula ang showing kung Biyernes?

Ngayon pa lang, sinabi nilang dapat daw may part 2 ang pelikula dahil kumita, kahit na sa ikatlong araw matindi ang habagat. Ang nangyari pa ang mga walang pasok, nanood pa ng sine.

Aspiring matinee idol laging may uwing lalaki

Mukhang pinangangatawanan na ng male star na dating “queen of Malate gay bars” ang kanyang title, pero ngayon mukhang lumipat na siya. Naroroon na raw sa entertainment district ng Mandaluyong. Madalas pa rin siyang nakikita roon, at pag-uwi sa madaling araw, laging may kasama na mga nakikilala rin niya sa mga pinapasyalan niyang gay bars.

Papaano ba namang sisikat iyan kung ganyan ang nakikita sa kanya? Sa abroad siguro ok lang pero dito sa atin, hindi pa talaga tanggap ang isang gustong maging matinee idol na bading.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with