^

Pang Movies

HLG mukhang mauungusan na ang Hows...!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
HLG mukhang mauungusan na ang Hows...!
Alden Richards at Kathryn Bernardo

Sa unang araw pa lang ng pelikulang Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay dinumog na ito kaya sa ganito kaaga ay masasabi mong blockbuster talaga ang pelikula.

Sa mahigit na 350 cinemas nationwide, akalain mong nagkaubusan pa ng ticket? Kung ganito nga ang nangyayari, hindi malabong maungusan nga ng HLG ang kinita ng huling pelikula nina Kathryn at Daniel Padilla na The Hows Of Us na umabot sa halos P900-M.

Samantala, marami ang nagsasabing maganda ang kuwento ng HLG, maraming manonood ang nagsabing uulit-ulitin pa nila ito dahil sa sobrang ganda at touching. Marami rin ang napaiyak.

Hindi malabong masundan pa ang unang pagtatambal nina Alden at Kathryn, na siya namang ikinababahala ng KathNiel fans dahil baka mas lalong matagalan ang muling pagtatambal ng original loveteam.

Magandang umpisa ito para sa takilya, bawing-bawi ng Hello, Love, Goodbye ang mga pelikulang sumemplang.

Ara nakikipag-compete kina Vice, Nadine at Anne

May bagong pinagkaka-abalahan ngayon ang aktres na si Ara Mina, ito ay ang make up.

Bukod kina Vice Ganda, Nadine Lustre at Anne Curtis, may cosmetic line na rin ang aktres at tinawag niya itong Ara Colours.
Hindi naman siguro mag-aaway-away ang apat dahil dito, sina Anne at Vice ay matagal nang magkakompitensya sa mga ibinibenta nilang make up pero never silang nag-away.

Shaina pinatutunayan ang pagiging aktres

Kung dati ay ang ate niyang si Vina Morales ang laman ng mga teleserye, ngayon ay mukhang nasasapawan na ni Shaina Magdayao ang mga nagawa nito. Napakagaling na rin niyang umarte.

Sa role niya kamakailan lang sa isang episode sa Maalaala Mo Kaya, pinaiyak ni Shaina ang viewers sa galing nito bilang isang inang OFW na nakipagsapalaran sa Saudi. Sa kasamaang palad, may nangyari sa kanya roong masama kung saan limang pulis ang nambaboy dito.

Samantala, ang huling teleseryeng ginawa ni Shaina ay ang Asintado kung saan kasama niya ang aktres na matagal-tagal na ring tahimik, si Julia Montes.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with