^

Pang Movies

Marco nagpigil kay Anne

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Marco nagpigil kay Anne
Marco Gumabao, Anne Curtis

“Perfect kissable lips” ang description ni Marco Gumabao sa lips ni Anne Curtis na naka-kissing scene niya sa Viva Films movie na Just A Stranger na showing sa August 21. Sabi pa ni Marco, honored at lucky siya na maka-kissing scene si Anne dahil sa first movie nilang Aurora, wala silang kissing scene.

Kinuwento ni Marco na nang unang itawag sa kanya ng kanyang RM na makakasama siya ni Anne sa movie, hindi muna siya naniwala. Mas naging excited pa raw ang RM niya at habang kausap niya sa phone, sigaw ito nang sigaw. Saka lang siya naniwala nang ang bossing na ng Viva Films ang nagkumpirma sa kanya.

Natawa si Marco sa tanong kung paano niya pinigilan ang sarili na hindi madala sa kissing scene at love scene nila ni Anne.

“Kapag andun ka na sa eksena, trabaho lang ang iisipin mo at walang ibang bagay. Kailangan din alam mo ang boundary mo as an actor at mag-focus lang sa karakter at hindi sa personal ko,” sagot ni Marco.

Kinunan sa maraming eksena ni direk Jason Paul Laxamana ang kissing scene at love scene nina Anne at Marco, kaya medyo matagal.

Natawa uli si Marco sa tanong ng press kayAnne na nasa tabi lang niya kung lasa o amoy gatas ba ang labi ni Marco dahil mas bata kay Anne.

“Ten years ang age gap namin at hindi ko siya inamoy kung amoy gatas ang labi niya,” sagot ni Anne.

Bantang boycott ng AlDub wa epek!

Kumpirmado na ang Kapuso girl na makakasama ni Alden Richards sa bago niyang teleserye sa GMA 7 na sinasabing ang title ay The Gift. Pero, ang narinig namin, hindi naman talagang leading lady ni Alden si girl, hindi lang na-explain sa amin ang magiging konek niya sa karakter ni Alden, basta hindi talaga sila magkatambal.

Speaking of Alden, tiyak na napalitan ng tuwa ang kaba nito sa magiging box-office result ng Hello, Love, Goodbye dahil sa opening day pa lang, kumita ng P34,457,618.41 ang movie nila ni Kathryn Bernardo. Nabanggit kasi ni Alden na ‘pag hindi kumita ang movie, siya ang sisisihin.

Pero, kumita ang pelikula at sa second day ng showing, sa 380 cinemas na ito palabas nationwide. Ito’y sa kabila ng bantang boycott ng ibang AlDub fans. Lahat ng nakapanood, nagre-request ng sequel, paano ba ito Star Cinema at director Cathy Garcia-Molina?

Erich umayaw maging kontrabida

True kaya ang tsika na hindi ang makatrabaho sina Xian Lim at Kim Chiu ang iniwasan ni Erich Gonzales kaya hindi nito tinanggap ang ABS-CBN soap na Love Thy Woman? Ang totoong rason daw ay ang role na ibinigay kay Erich dahil naging kontrabida ang role niya. Hindi naman daw ‘yun ang role na gagampanan niya nang unang i-pitch ang project.

In all fairness, maayos daw ang pagpapaalam ni Erich, kaya walang isyu. Habang wala pa siyang soap uli sa ABS-CBN, sumama muna si Erich kina Kris Aquino, Bimby at Joshua sa Japan. Ilang araw nagbakasyon sa Japan si Kris bilang paghahanda sa shooting ng (K)Ampon.

vuukle comment

ANNE CURTIS

MARCO GUMABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with