^

Pang Movies

Robin nagri-recruit ng mga magsusundalo

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Robin nagri-recruit ng mga magsusundalo
Robin Padilla

Tiyak na matutuwa si army reservist 2nd Lt. Matteo Guidicelli dahil papasok na rin sa Philippine Army Reserve Component si Robin Padilla na siya na rin mismo ang humihimok lalo na sa mga kabataang lalake na gawin din ang ginawa ni Matteo dahil na rin sa pagmamahal nito sa bayan.

Wala pa namang sinasabi si Robin kung kelan siya magti-training sa Philippine Army bilang isang reservist.  

Rayver first time kay Megan

Masaya ang Kapuso actor na si Rayver Cruz dahil kahit katatapos pa lang ng seryeng Asawa Ko, Karibal Ko na pinagsamahan nila nina Kris Bernal at Thea, may panibago siyang serye. Pagsasamahan ulit nila ito ni Kris with Megan Young sa isang suspense-thriller drama series na pinamagatang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko na pinamamahalaan naman ng batang director na si Joron Lee Monroy at magsisimulang mapanood sa darating na Hulyo 22.

Maganda ang working relationship ni Rayver with Kris habang first time naman niyang katrabaho ang kauna-unahang Filipina Miss World na si Megan Young.

Samantala, looking forward din si Rayver na makatrabaho balang araw ang kanyang girlfriend na si Janine Gutierrez na isa ring Kapuso. 

Kris marunong sa datung

Ang Kapuso actress na si Kris Bernal ay produkto rin ng reality-based talent search ng GMA, ang Starstruck: The Next Level in 2006 kung saan niya nakapareha si Mart Escudero pero mas nag-click ang loveteam nila noon ni Aljur Abrenica na isa nang Kapamilya actor ngayon.  Magmula noong 2006 ay hindi na nawalan ng proyekto si Kris na isa na ring successful entrepreneur matapos nitong buksan ang kanyang burger business, ang Meat Kris at isang Korean restaurant.

Isa si Kris sa mga artista na marunong mag-save ng pera kaya nakabili ito ng bahay nung isang taon sa West Covina, California, USA.  Going strong din ang kanyang relasyon sa kanyang non-showbiz boyfriend, ang Chinese businessman na si Perry Choi.

Kung ang dati niyang ka-loveteam na si Aljur ay may asawa’t anak na, umaasa rin si Kris na magkaroon ng sarili niyang pamilya balang araw.

Matteo balik-pelikula

Malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang crime-comedy movie na Mina-Anud na dinirek ni Kerwin Go at tinatampukan nina Dennis Trillo, Matteo Guidicelli at Jerald Napoles. Ito’y produced ng Epicmedia and released through Regal Entertainment.  

Si Matteo ay kalalabas lang galing sa kanyang month-long scout ranger training sa Camp Tecson ng San Miguel, Bulacan, isang experience na hinding-hindi niya makakalimutan dahil isa na siyang military reservist as 2nd Lt. Matteo Guidicelli.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with