^

Pang Movies

Song Hye Kyo walang kaalam-alam na ididiborsyo na siya ni Song Joong Ki!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Song Hye Kyo walang kaalam-alam na ididiborsyo na siya ni Song Joong Ki!
Song Joong Ki at Song Hye Kyo

Nabasa lang daw sa diyaryo...

Nakakagulat naman iyong sinasabi nilang ang perang paghahatian ng mag-asawang Song Joong Ki at Song Hye Kyo sa kanilang paghihiwalay ay aabot sa 100 billion won. Pero dapat ninyong isipin na ang isang won ay katumbas lamang sa atin ng apat at kalahating sentimos. Kaya kung kukuwentahin, ang paghahatian nilang pera at ari-arian ay naghahalaga ng 4, 378,424,730.44 kung isasalin sa halaga ng ating piso. Malaki pa rin, magkakaroon pa rin sila ng tigalawang bilyon.

Kung iisipin mo, para sa mag-asawang matagal na namang hiwalay dahil talagang hindi sila magkasundo, tapos iiwan nila ang isa’t isa na may ganyan kalaking halaga, ok na rin.

Ang medyo masakit lang doon, bagama’t hiwalay na nga sila, hindi pala alam ni Song Hye Kyo na ididiborsiyo na siya ni Song Joong Ki kung hindi niya nabasa sa mga diyaryo. Ibig sabihin nalaman lang niya ang tungkol sa diborsiyo, kasabay ng lahat ng ibang tao sa buong mundo.

Kung dito sa Pilipinas iyan, aba eh napakalaking issue iyang gagawa ka nang ganyan. Pero para sa kanila, tutal naman talagang hindi na magkasundo pagkatapos ng mahigit na isang taon lamang na pagsasama, ok na ring maghiwalay sila. Sa kanila kasi normal na iyong diborsiyo eh, matagal na silang mayroon noon. Sinasabi nga dalawang bansa na lamang sa buong mundo ang walang diborsiyo, ang Pilipinas at ang Vatican City.

Pero may nakakatawang bagay na gusto naming isingit diyan, lumalabas naman sa data na sa Pilipinas, na nag-iisang bansang Katoliko sa Asya ay nagkaroon ng pinaka malaking pride march para ipagdiwang ang LGBTQ at kung anu-ano pang dagdag nila.

Ewan, pero maraming Pinoy na fans ang depressed sa paghihiwalay ng Song Song couple na iyan. Mukhang mas sikat pa ang love team nila dito kaysa sa maraming magka-love team na hindi naman pinapansin at flop ang mga pelikula.

Bea at John Lloyd sandwich ng bumbay lang pala ang gagawin

Kung anu-anong paduda pa ang pinalalabas nila doon sa unti-unting paglabas ng mga picture ni John Lloyd Cruz na kasama si Bea Alonzo. Mara­ming kumagat sa gimmick nila at paduda ni Bea na may gagawin na nga silang proyekto. Iyon pala commercial lang ng sandwich ng bumbay.

Minsan iyan ang nakakainis eh, bakit hindi na lang diniretsa ang balita na “hoy may gagawin kaming commercial ng sandwich ng bumbay” eh di tapos na sana ang kuwento. Kaysa naman doon sa kung anu-ano pang pagduda na pinaasa ang fans na may proyektong gagawin,

Alam naman ng lahat na ano mang development tungkol kay John Lloyd interesado ang mga tao. Marami na rin ang nananabik kung babalik pa nga ba siya sa showbiz pagkatapos ng isang taon.

Direktor na beki stick to one na!

Natatawang nagkukuwento si direk, mabait na raw siya ngayon. Wala na siyang boyfriend sa Pilipinas. Sa abroad yata ay may isa siyang boyfriend. Dati marami rin ang naging boyfriends ni direk dito, kabilang na nga ang isang actor na nahiwalay sa asawa.

Okay lang naman kasi sa kanila dahil madatung talaga si direk. Hindi rin naman basta-basta si direk dahil inirerespeto naman siya sa industriya at kahit na bading, cute siya.

vuukle comment

SONG HYE KYO

SONG JOONG KI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with