^

Pang Movies

Safety officers kailangan na rin sa shooting at taping

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi lamang ang pagkakaroon ng medic o ambulansiya sa shooting ang kailangan para matiyak ang occupational safety sa mga shooting o taping ng mga pelikula o TV shows. Kailangan ding isipin kung minsan ang ipinagagawang stunts sa mga artista.

Minsan natawag ang aming pansin noong pinababa si Angel Locsin sa isang building na gamit lamang ang lubid. Nagawa naman iyon ni Angel. Pero siguro nga first time niya iyong ginawa. Minsan sinasabing sumasali siya sa mga rock climbing, pero iba pa rin iyong sa building ka bumababa nang ganoon.

May mga stuntmen na nakagagawa nun at inabot ng taon ang kanilang pagsasanay. Maski na mga stuntmen hindi basta gagawa nang ganoon, at malaki ang bayad sa gumagawa ng mga ganoong delikadong trabaho. Dahil si Angel mismo ang gumawa ng eksena, nakatipid sila ng bayad sa double at mas nagkaroon pa ng novelty ang eksena. Pero delikado iyon.

Sa ibang bansa, iniiwasan na iyan. Kung ganyan na katindi, gumagamit na sila ng CGI o computer generated images. Hindi nila isusugal ang tao sa ganyan, lalo na nga sa kaso ni Angel na alam naman nating may problema sa spinal column.

Pero hindi lang si Angel, hindi ba delikado rin iyong pinatalon sa San Juanico Bridge? Iyong mga pinatatalon mula sa mga water fall? Iyong naghahabulang kotse na tapos ay pasasabugin pa. Iyan ay mga occupational hazards, pero ginagawa ng mga artista dahil kung tatanggihan nila baka masabing sila ay “unprofessional”.

Kung kami ang tatanungin, hindi lang medic na tutulong kung may aksidente na. Kailangan may safety officers na magsasabi kung ligtas ba talaga ang ipagagawa nila sa isang artista bago pa man gawin ang mga eksenang iyon.

Vice at Regine binibira sa pagiging insensitive sa batang viewers

Maaaring biro lang ni Vice Ganda iyong giniginaw siya at kailangan niya ng yakap sa isang episode ng Idol Philippines. Maaaring tukso lang din naman ni Regine Velasquez iyong pagsasabi sa contestant na “sige yakap na”. At ang sumunod ay niyakap na nga ng contestant si Vice. Natalo rin naman ang contestant.

Siguro nga ang gay relationship ay masasabing tanggap na sa showbusiness. Hindi naman ‘yan maikakaila ng kahit na sino. Basta iyan ang napag-usapan, matindi. Pero tama nga kaya na ang mga ganoong bagay ay makita lalo na ng mga batang nanonood ng telebisyon?

Ano na nga ba ang kinakalabasan ng sinasabing “gender sensibility seminars” ng MTRCB? Aywan pero ang mga ganoong biruan ay hindi siguro dapat ginagawa sa telebisyon. Iba iyon kung pribado, pero kung nakikita na ng libu-libong tao, lalo na ng mga bata, mukhang hindi na tama.

Manager madaling araw kung magbenta ng mga talent

Madalas pa rin palang naka-istambay sa isang fast food chain ang isang “talent manager” na nakikitang naroroon hanggang madaling araw, “kasama ang kanyang mga talent”. Minsan daw umaalis siya kasama ang talents, sakay ng mga magagarang kotse at pagbalik ng talent manager sa 24 hour food chain, siya na lang mag-isa.

Ang madalas daw sabihin ng talent manager, ang mga alaga kasi niya ay nakukuha sa mga “midnight shows”. Ganoon ba talaga?

Mukhang malakas ang negosyo nilang ganoon para pagpuyatan nila.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with