^

Pang Movies

Sylvia naispatan sa police station

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sylvia naispatan sa police station
Sylvia Sanchez

Sina Sylvia Sanchez, JM de Guzman, Kiko Estrada at Joey Marquez sa isang police station sa Marikina City kahapon.

Ooops, hindi nasangkot ang apat sa kahit na anong gulo kaya sila nandoroon. Bale location ‘yon ng taping nila para sa Kapalaran series under ABS-CBN.

Sinamahan ko ang isang kaibigan ko sa lugar na ‘yon, kaya nakita ko na nagte-taping sina Sylvia doon.

Nag-message na lang ako kay Sylvia para sabihing nakita ko ang taping nila, pero hindi naman puwedeng basta bumisita ang press sa set nila  kaya hindi ko na siya pinuntahan pa.

Tinanong ko si Sylvia kung ano niya si JM sa series na ‘yon?

“Mister ko,” sabi niya.

Ha? Mister niya si JM de Guzman na in real life ay nali-link sa anak niyang si Ria Atayde? “Si JM as in Joey Marquez. Hahaha!” ang sagot ng premyadong aktres sa akin.

Hahaha! Mabuti na lang at nalinaw ko, huh! Si JM, anak daw niya sa series, pati na si Kiko.

Bale nakaka-four weeks na sila sa taping, kaya marami na silang pondo at very soon ay mapapanood na ‘yon sa Kapa­milya network.

Ariella mas stable sa pagho-host

In fairness, ang tagal na rin ng beauty queen/actress na si Ariella Arida sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN.

Mukhang regular na nga talaga siya doon. Humuhusay din naman siya sa pagho-host habang nagtatagal.

Kung sa nagtapos na series na Playhouse ay hindi nagtagal ang acting career ni Ariella, at least sa UKG ay matatag siya, ‘noh?!

Baka mas dapat niyang tutukan ang pagho-host kesa sa pag-arte!

Sa Wowowin din noon ni Willie Revillame ay marami ang nakagusto sa pagho-host ni Ariella hanggang tsugihin siya.

Kara Mia papalitan ng Koreanovela!

Next week na ang finale week ng Kara Mia.

Pinag-iisipan pa raw ng creative staff ng series kung may isa kina Barbie Forteza at Mika dela Cruz ang papatayin.

Sabi ng isang nakausap ko, most likely raw ay ‘yon ang mangyayari.

May mga nagsasabi naman na for sure si Barbie ang bubuhayin.

Anyway, kahit naman sino ang manatiling buhay sa kanila, ending na rin naman ng Kara Mia next week.

Ang tsika nga pala, hindi na raw talaga ang Rosang Agimat ang papalit dito.

Isang canned foreign series ang sinasabing papalit dito, pero sabi ng mga taga-GMA-7, abangan na lang daw ang official announcement tungkol doon.

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with