^

Pang Movies

Gabbi nagka-Krav Maga!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Gabbi nagka-Krav Maga!
Gabbi Garcia

Noon pa pinangarap ng Global Endorser at It Girl na si Gabbi Garcia na makagawa ng aksiyon-serye kaya natuwa siya nang isama siya noon sa Sherlock, Jr. kung saan niya nakatambal si Ruru Madrid. Pero hindi nagtagal ang participation niya sa serye dahil nag-focus na lamang ang story kay Ruru. Pareho silang nawala agad ni Janine Gutierrez sa story.

Kaya ang saya ni Gabbi nang i-cast siya sa isang bagong action serye sa GMA Network na ididirek ng action director na si Toto Natividad. Makakasama rin niya sa untitled action serye ang nagbabalik-Kapuso, ang director-actor na si Eddie Garcia.

At bilang paghahanda sa upcoming aksiyon-serye, sumailalim na si Gabbi sa mga training. Nauna siya sa paghawak ng baril under Jet Dionisio, na tinuruan siya how to shoot, proper handling, troubleshoot a jammed gun, and many more.

“At ngayon, nagsimula na akong mag-training ng Krav Maga.

“Ang Krav Maga po ay isang Israeli method of self-defense kung saan pinagsama-sama ang aikido, boxing, Judo, Karate, wrestling, at realistic fight training. Medyo mahirap po sa simula pero habang ginagawa namin nagiging madali na rin. At thankful ako sa mga instructors namin dahil marami kaming natutunan bago pa kami magsimula ng actual taping.”

Ang nalalapit na aksyon-serye ay magtatampok din kina Thea Tolentino, Kristoffer Martin, Gil Cuerva, Jeric Gonzales, Roi Vinzon, Luz Valdez, Ms. Celia Rodriguez at marami pang iba.

Bianca at Miguel, pinagkita na

Mixed ang reactions ng mga fans ni Bianca Umali nang mapanood noong Monday evening sa epic seryeng Sahaya, ang eksenang after a long time na hindi nagkita sina Sahaya (Bianca) at Ahmad (Miguel Tanfelix) ay bigla silang nagkita dahil sa pagliligtas nila sa isang batang tatawid ng kalye ay may padating na kotse.  Ang gulat ni Sahaya nang makitang ang nagligtas at yumakap sa kanya ay si Ahmad, na malayo na ang hitsura bilang ang Badjaw na boyfriend niya.

Napapanood ang Sahaya sa telebabad pagkatapos ng Kara Mia sa GMA 7.

Cherie Gil ayaw patawag ng Tita

Marami nang netizens ang excited magsimula ang Starstruck 7 na iho-host nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado. Ang council of judges naman ay sina Ms. Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo. 

Excited sila kay Cherie dahil may mga binitiwan na siyang salita na tiyak na ikanenerbyos na raw ng mga participant. Isa sa binitiwan niyang salita, alam na raw niya kung sino ang mga artistahin, pagkakita pa lamang niya. At ang paalaala niya “Don’t call me tita.”

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with