^

Pang Movies

Jessy binagayan ng puting buhok

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Jessy binagayan ng puting buhok
Jessy Mendiola, Luis Manzano

Ang ilang celebrity sightings ng mga kaibigan ko.

Noong Sunday night ay tinawagan ako ng BFF ko na si Carol Ang para ikuwento na nakita niya sa Eastwood City ang mag-sweethearts na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. “Naglalakad sila galing City Walk going to the mall. Nahiya ako magpa-picture,” sey ni Carol.

Sweet daw ang dalawa, pero hindi masasabing nagpi-PDA (public display of affection).

Sabi pa ng friend ko, sobrang kisig ng dating ni Luis. “Buff na buff.”

Sexy rin daw si Jessy at bumagay rito ang sabi ng BFF ko na “puting buhok”.

Itinakas ang GF Arjo at Maine, maghapon lang sa SG

From Eastwood City, lipad naman tayo sa Singapore.

Nakita ng ilang friends ko sa Orchard Road ang rumored-sweethearts (pero obvious naman na may relasyon) na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Ang tsika naman ng iba, nakita rin sila sa Universal Studios sa bansang ‘yon.

From a source, maghapon daw na nagliwaliw noong Sunday sa Singapore sina Arjo at Maine.

Ang sweet daw ni Arjo dahil “itinakas” si Maine noong Sunday pa-Singapore.

Umalis daw ang dalawa ng umaga at umuwi rin ng gabi.

Ni hindi na raw kumuha ng hotel na matutuluyan dahil in-enjoy lang nila ang pamamasyal doon, huh!

Richard, Sarah at Raymond nagliliwaliw sa Paris

At heto ang panghuling cele­brity sighting, Ateng Salve.

Kaya pala tinatanong ako ng friend nating si Lynette kung nasaan ako ay dahil nakita nila sa Paris, France sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at Raymond Gutierrez.

“Gusto naming pa-picture, sabihan mo naman,” text ni Lynette.

Yes, hanggang bukas sa Paris ang tatlo. Bale tumuloy sila roon pagkagaling ng Istanbul, Turkey.

Ilang araw lang sila doon dahil pagbalik nila sa Thursday ay aasikasuhin naman nina Richard at Sarah ang binyag cum first birthday event ng bunso nilang si Kai na magaganap on June 16.

Bale 25 ninong at 25 ninang ang kinuha nila para sa binyag ni Kai, huh.

‘Yun na!

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with