^

Pang Movies

Empoy nagmistulang sidekick ni FPJ

Vir Gonzales - Pang-masa
Empoy nagmistulang sidekick ni FPJ
Empoy Marquez

MANILA, Philippines — Mistulang binuhay ni Empoy Marquez ang role na dating ginagam­panan ng sidekick ni late Fernando Poe Jr. na si Dencio Padilla. Tapang-tapangan siya komo’t nasa tabi ng bida na si Coco Martin.

Malaking asset si Empoy sa comedy lalo’t pinasukan na ng kontrabidang si Baron Geisler ang naturang serye.

Magandang break ito para kay Empoy dahil hindi na nasundan ang lakas ng kita niya sa pelikulang Kita Kita with Alessandra de Rossi. Nasundan naman ang pelikula niyang ito, at ito ang The Barker pero hindi ito kumita sa takilya.

Helen at Coney kinaiinggitan ng ibang mga nanay

Walang dudang kinaiinggitan ng maraming nanay lalo sa showbiz ang pagkakaroon ng isang anak na tulad ni Vico Sotto na nahalal na bagong mayor ng Pasig after 20 years. Makakaramdam daw ng pagbabago sa pag-upo ni Vico na at the age of 29 ay matured na matured na ito kung mag-isip.

Imagine? May anak na mayor sina Vic Sotto at Coney Reyes.

Very powerful daw talaga ang prayer na gamit ni Coney para sa anak.

Hindi lamang si Coney ang proud momma, kung hindi maging si Helen Gamboa rin, na ina ni Gian Sotto na nanalo namang vice mayor ng Quezon City.

Nora pinaghandaan ng fans

Simple lang ang naging celebration ng Superstar na si Nora Aunor at ang kanyang fans lamang ang nag-abalang maghanda para sa kanya.

Hindi na sila nagpabongga pa ng handa dahil abala si Nora sa mga upcoming project niya sa Kapuso network. May movie rin siyang gagawin at nangangarap pa rin na maging isang director.

Mayor ng Baliwag, inaabangan kung aaksyunan ang maputik na palengke

Muling nahalal ang dating mayor ng Baliwag na si Ferdie Estrella, sana raw sa muli niyang pag-upo ay ipaayos niya na ang palengke ng Baliwag na naglalawa na sa putik. Baka nga naman madulas ang mga senior citizen na namamalengke doon, kaya sana po ay marinig niyo ang kahilingan ng mga taga-Baliwag.

Congratulations!

Nais po naming papurihan ang past presidents ng PMPC at mga koluminista ng pahayagang PM (Pang Masa) na sina Ethel Ramos, Veronica Samio at Letty Celi. Karapat-dapat talaga silang bigyan ng karangalan ng PMPC sa pangunguna ng president na si Sandy Mariano.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to May born celebrants na sina Sarah Geronimo, Sam Milby, Sylvia Sanchez, Rossana Roces, Onemig Bondoc, Eli Saludar, John Fontanilla, Romel Placente, Barbara Milano, at ang Wonder Woman ng DZRH, Mae Binauhan at Carmen Gonzales.

vuukle comment

EMPOY MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with