^

Pang Movies

Herbert mag-aalaga muna ng mga anak

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Herbert mag-aalaga muna ng mga anak
Herbert Bautista

Mukhang si Quezon City 4th District Councilor Hero Bautista na ang susunod talaga sa yapak ng kuya niyang si QC Mayor Herbert Bautista dahil siya na ang dumalo kahapon sa birthday lunch treat for the entertainment press na taun-taon ay ginagawa ng alkalde.

Kasama ang kapatid na si Harlene Bautista, silang dalawa ang nag-entertain sa press at nakipag-interbyuha’t nakipag-photo-opportunity.

Well, hindi naman itinatanggi ni Konsehal Hero na talagang gusto niyang sundan ang footsteps ng kuya niya when it comes to being a public servant.

“Ang akin pong dedikasyon sa trabaho sa public service po ay namana po namin sa aming ama, kay Papa Mayor Butch Bautista, and si­yempre, I’m following the footsteps of my brother na si Mayor Herbert dahil ang serbisyo-publiko po ay nakalakihan namin,” sabi ni Hero.

“Doon na po kami namulat, at siyempre sa entertainment world, magkakasama tayo,” dagdag pa ng Konsehal.

Sa ngayon kasi ay pahinga muna sa pulitika si Bistek dahil nasa pangatlong termino na siya ng pagiging Mayor at hindi na siya tumakbo pa sa kahit anong posisyon ngayong eleksyon.

Ayon kay Harlene, Bistek is catching up ngayon sa mga anak niya dahil nga malalaki na ang mga ito.

“Hindi naman ibig sabihin, nung lumalaki sila (ang mga bata), pinabayaan niya, he was never like that. So, ngayon, gusto lang niya to spend more time since he started in public service since he was 15 yrs old.

“So, 35 to 36 years old (of being a public servant), siguro, okay lang naman na magpahinga siya, to take a break, and kasi, hindi na rin tayo bumabata, hindi na rin siya bumabata.

“So, hangga’t may mga bagay, activities na puwede niyang magawa with the kids, eh di I think, this is the right time,” sabi ni Harlene.

Gusto rin daw ni Bistek na asikasuhin ang Heaven’s Best Productions nila at maybe, balikan ang pag-aartista or di kaya naman ay magdirek ng pelikula.

Ayon naman kay Hero, kahit naman daw nasa “break” ang kuya niya ay sinusuportahan pa rin naman daw nito ang kandidatura niya.

“He still supports me in the sense na binubulong niya ako sa mga kaibigan sa Kwatro, and ‘yung first rally namin, in-endorse niya si Mam Joy (Belmonte), lahat kami, buong team ng Team Joy, from District 1 to 6, eh inendorso naman niyang lahat,” sabi ni Hero.

Bianca at Miguel nagpasalamat

Sobrang thankful ang BiGuel loveteam na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang primetime series na Sahaya.

“We are very happy from the start naman, of course, one of our goals was to rate high, but it wasn’t our main goal,” pahayag ni Bianca sa panayam ng GMA network sa magka-loveteam.

“Yung main goal namin is just to send a message to the people and thankfully successful kami doon and we are happy na minamahal kami ng mga tao,” dagdag pa ng young actress.

Sey naman ni Miguel, sobrang nakaka-inspire talaga para sa kanila na malaman ang magandang ratings ng show kaya raw lalo pa silang ganado ngayon na pagandahin ang bawat episode.

“Lalo kaming ginaganahan na magbigay ng kaabang-abang na story and mga eksena para sa viewers,” ani Miguel.

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with