^

Pang Movies

Kilalang comedian dumanas din ng matinding depresyon

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, dumaan din pala sa depression ang isang kilalang comedian.

Some years back, akala ni comedian ay may kakaibang sakit siya, kaya naman nagpasama siya sa isang kilalang doktor.

May series of laboratory test na ginawa kay comedian.

Nang magkausap sila ng kanyang doctor, sinabi sa kanya na wala namang nakitang sakit sa mga laboratory test na ginawa sa kanya.

Pinayuhan siya na magpatingin sa isang psychiatrist at doon na nga raw nalaman na dumadanas pala siya ng depression.

Ang maganda, sa tulong ng psychiatrist ay gumaling na si comedian sa kanyang nararamdamang depression.

Okay na rin ang career ngayon ni comedian, kaya wala na rin naman siyang dapat ika-depress pa!

Isabelle sumunod kay Gloria sa Atlanta

Ang bongga naman nitong si Isabelle Daza.

Aba, sumunod siya sa Atlanta, Georgia sa nanay niyang si Gloria Diaz na nandoroon ngayon para sa taping ng Netflix series na Insatiable.

Ang dinig ko, noong una ay gusto talaga ni Tita Glo na isama si Isabelle sa Atlanta, pero may problema sa schedule ng anak.

Pero ngayon nga, si Isabelle pa ang sumunod doon.

Sobrang support nga si Isabelle kay Tita Glo dahil pinasalamatan pa niya ang cast and staff ng Insatiable sa sobrang pag-welcome sa kanyang nanay, huh!

Sabi ni Isabelle, guest sa episode six ng Insatiable ang kanyang nanay, pero sabi ng manager na si Leo Dominguez, sa two episodes ng Netflix series guest si Tita Glo kaya nga sa June ay babalik uli ang ating first Miss Universe (1969) sa Atlanta.

Businessman/politician ayaw pag-usapan ang mga anak sa labas ng ama!

Ayaw pala ng anak ng isang kilalang businessman/politician na matanong siya tungkol sa tsikang may anak ang kanyang tatay sa ilang showbiz personalities.

Pati ‘yung tungkol sa tsikang may sikretong anak ang kanyang tatay sa isang sexy actress na biglang sumikat dahil sa isang katatapos lang na teleserye ay ayaw pag-usapan ng anak ng kilalang businessman/politician.

Nang tanungin ko nga siya tungkol doon, nakiusap ito na huwag na lang.

Marahil ay ayaw lang ng anak ng kilalang businessman/politician na ma-hurt ang kanyang nanay.

Well...

vuukle comment

ISABELLE DAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with