Signal Rock Best Picture sa Malaysia
Nanalo ng Best Picture ang Chito Roño directed movie na Signal Rock sa ginanap na ASEAN International Film Festival & Awards sa Malaysia.
Present sa festival ang bidang si Christian Bables at writer na si Rody Lacap, nominado rin para sa best screenplay, na siyang tumanggap ng award.
Naging birthday gift para kay Chito ang panalo ng Signal Rock sa international filmfest. From Malaysia, dadalhin sa isang festival sa Udine, Italy ang pelikula.
Nadine emosyonal sa pagtanggap ng Best Actress
Top trending topic sa Twitter ang panalo ni Nadine Lustre bilang best actress sa katatapos na FAMAS Awards para sa movie niyang Never Not Love You kapareha si James Reid.
Usap-usapan din ang kanyang acceptance speech dahil inihayag niya na may pinagdaraanan siya nu’ng ginagawa ang pelikula noong 2017 kaya ayaw na niyang ituloy.
May kinalaman ‘yon sa pagkamatay ng nakababatang kapatid na lalaki.
“Sobrang malaking damage rin po ang ginawa nito sa akin o a few months before po namin umpisahan ang Never Not Love You. Parati kong iniisip kung itutuloy ko kasi nararamdaman ko na baka ma-disappoint ko lang po sina Direk Tonette and sina Boss Vic. Ilang beses ko din pong gustong umatras,” bahagi ng speech ni Nadine.
Espesyal niyang pinasalamatan ang BF na si James na laging pinaaalala sa kanya na, “I am bigger and stronger than any storm that will come my way.”
Congratulations, Nadine!
- Latest