^

Pang Movies

Geoff at Maya ikakasal na

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Geoff at Maya ikakasal na
Geoff Eigenmann

Masayang-masaya ang aktor na si Geoff Eigenmann dahil sa pag-propose niya sa kanyang girlfriend na si Maya Flores noong nakaraang Lunes.

May one-year-old daughter na sina Geoff at Maya named Arabella Simone at kasal na lang ang kulang sa kanilang pagsasama. “from my girlfriend, to now my fiancé a new chapter begins #lifesentence” caption ni Geoff sa Instagram post niya kung saan magkayakap sila ni Maya at suot na nito ang engagement ring.

Ni-repost ni Maya ang same photo sa kanyang IG at nilagyan niya ng caption na: “It just got real! Like... diamond real.. I said YES! All ready to head off on a life long trip to a bright future together. :)”

Buntis ulit si Maya sa second baby nila ni Geoff at boy naman ang isisilang nito.

Jennylyn aminadong may gay husband

Kung may boyfriend si Jennylyn Mercado na si Dennis Trillo, meron naman itong tinatawag na “gay husband” sa katauhan ng Kapuso singer-comedian si Nar Cabico.

Una raw naging close sina Nar at Jen noong gawin nila ang teleserye na My Love From The Star kung saan gumanap si Nar na harassed assistant ni Jen.

Mabilis daw silang nagkasundo ni Jen at nagsimula na raw silang mag-hangout sa bahay ng aktres.

Naging hingahan na rin daw si Nar ni Jennylyn ng mga problema nito at pinagtiwalaan siya ni Jen ng mga personal secrets nito.

At sa sobrang supportive ni Jen kay Nar, naging producer ito ng hit single ni Nar na GAGA at nagpa-block screening ito ng pelikula nitong Akin Ang Korona kunsaan nanalo ito ng best actor award sa Sinag Maynila 2019.

“Kaya sana sa magiging digital album ko under GMA Music, gusto ko may isang friendship song kami doon ni Jen. Parang tribute ko na iyon sa kanya for being a presence in my life,” pagtapos pa ni Nar Cabico na kasama rin sa teleserye na Love You Two bilang hotel assistant ni Gabby Concepcion.

Brad Pitt at Angelina Jolie single na uli

Officially single na ang ex-Hollywood couple na sina Brad Pitt at Angelina Jolie.

Binalik na nga raw ng korte ang kanilang legally single status sa pamamagitan ng isang bifurcated judgment habang inaayos pa ang final settlement agreement ng kanilang assets.

Noong December 2018 ay naayos na ang custody agreement para sa anim nilang anak na sina Maddox, Pax, Zahara, Shiloh, Knox and Vivienne.

September 2016 noong mag-file si Jolie ng divorce kay Pitt. Kinasal sila noong 2014 pagkatapos ng sampung taong pagsasama. Ang naging main focus ni Jolie ay ang custody ng anim nilang anak.

vuukle comment

GEOFF EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with