^

Pang Movies

Empoy hinihintay sa senakulo

Vir Gonzales - Pang-masa
Empoy hinihintay sa senakulo
Empoy

MANILA, Philippines — Handang-Handa na ang bayan ng Baliuag sa senakulong gaganapin sa darating na Good Friday. Ang naturang pagtatanghal ay dinarayo ng mga katabing bayan ng Baliuag.

Ang dating action star na naging vice mayor at ngayon ay kumakandidatong konsehal na si Abel Acosta aka Tony Patawaran ay hindi na ito gaanong natunghayan dahil abala na ito sa pangangampanya.

May nagtatanong din, siputin kaya ni Empoy Marquez ang senakulo maging  ang popular nilang prusisyon na dinadayo rin?

Jessy nagmukha raw starlet sa buhok

May mga nagtatanong, bakit palaging si Jessy Mendiola ang nasisisi kapag hindi bumenta ang isang palabas?

Si Jessy lang daw ba ang artista sa nasabing mga pelikula?

Teka nga, bakit nga ba nagpakulay ang dalaga? Hindi na tuloy siya makilala at napagkamalan pang trying hard na starlet.

Nagpaalam daw ba si Jessy na mag-iiba ng kulay ng buhok kay Luis Manzano, may hugot ba siya kaya nagbago siya ng hair style?

Rita at Ken nagka-inlaban?!

Naiiba si Rita Daniela sa mga babaeng hinahangaan ni Ken Chan. Ang dalaga raw kasi ang nagbigay sa kanya ng regalong kanyang pinapangarap.

Guess what kung ano iyon?

Walang iba kundi ang Holy Bible na bihirang bigyan ng pansin ng mga kabataan ngayon.

Teka, totoo bang nagkaka-developan sila kahit tapos na ang My Special Tatay?

Dating aktor na si Leandro BaldemoR, abala sa negosyo

Abala sa negosyo ang dating Seiko star na si Leandro Baldemor dahil may pagawaan siya ng mga santo at santa sa kanilang bayan sa Paete, Laguna.

Tutok siya sa negosyong lumililok ng mga poong ipinoprusisyon.

Happy Birthday…

Birthday greetings to April born celebrants na sina Leah Navarro, Ricky Reyes,  Senator Floor Leader Juan Miguel Zubiri, Ver Paulino, Gloria Papin, Vilma Valera, Beverly Vergel, at Yehlen Catral.

vuukle comment

EMPOY MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with