^

Pang Movies

Asawa ni Terrence nabuhayan na ng loob!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Asawa ni Terrence nabuhayan na ng loob!
Terrence Romeo

Jump ako sa tuwa nang mag-text sa akin si Pia Romeo na nanalo sa laban ang San Miguel basketball team ng kanyang love na si Terrence Romeo.

Medyo sad pala last week si Terrence dahil natalo ang team nila pero now happy na siya dahil kasama sila sa semi finals.

Feeling dyowa ko sa past life si Terrence kaya na- feel ko rin ang lungkot niya. Buti na lang, win na ang San Miguel at ginagamit na nang husto si Terrence na talagang ready dahil nagkasakit na nga sa sobrang practice kaya nang magbalik sa basketball court, talagang nagpakitang gilas  kaya tuwang-tuwa ang fans niya.

Hay naku, ang legal wife na si Pia, happy na at puwede nang huminga ng husto dahil kasama na sa semi finals ang team ni Terrence.

Congrats Papa Terrence and I’m happy for you Pia Romeo, ang legal wife.

Foreigners at home na at home dito sa atin

I love it kapag nakikita ko na marami ang foreigners na naglalakad sa streets natin na parang at home na at home sila sa Pilipinas.

Hindi ko masyadong pansin kung mga Chinese, Koreans o Japanese dahil mga taga-Asia rin sila, so feeling ko gusto nila sa Pilipinas dahil malapit sa bansa.

Noong bata pa ako, maraming Bumbay ang nakikita ko. Feeling proud ako kapag nakikita ko ang Americans at Europeans na naglalakad sa kalsada natin dahil sign ito na talagang isa ang Pilipinas sa magagandang bansa na gusto nila.

Sa totoo lang, kung maayos lang security natin at hindi tayo parang intimidated sa mga puti, sure ako na gusto nila na manirahan sa bayan natin.

Mura ang lahat ng mga bilihin compared sa bansa nila.Magaganda ang mga mall natin, beaches, nagkalat ang spa at massage parlor, masarap ang mga pagkain kahit sa maliliit na restaurant.

Everything dito sa atin, puwedeng ipagmalaki except sa maliliit na bagay na puwede pa na bigyan ng solusyon.

Ipagmalaki at mahalin natin ang ating bayan. Walk tall, Pilipino ako. Be proud to be a Filipino.

Sons... pang-Mother’s Day

Happy day ko kahapon kaya hindi ko pinuntahan ang dalawang presscon na invited ako, ang media lunch ng pelikulang Sons of Nanay Sabel at ang Love You Two.

Ang Sons of Nanay Sabel ang Mother’s Day presentation ng Viva Films at bida ng pelikula si AiAi delas Alas at ang Ex Battalion.

Tawang-tawa ang lahat ng mga nakakapanood ng trailer ng pelikula dahil parang katulad ito ng Tanging Ina, ang blockbuster comedy movie ni AiAi na nagkaroon ng maraming sequel dahil hit na hit sa moviegoers.

Wish ko na kumita sa box office ang Sons of Nanay Sabel na isang masaya na pelikula kaya dapat panoorin ng lahat na sa May 1 ang playdate ng Sons of Nanay Sabel sa cinemas nationwide.

Ang Love You Two naman ang romantic co­medy television series ng GMA-7 na starring sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.

Hanggang ngayon, hindi makapaniwala si Jennylyn na magiging leading man nito sa isang teleserye ang aktor na napapanood lamang niya dati sa mga pelikula at television show.

vuukle comment

TERRENCE ROMEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with