^

Pang Movies

Isabelle binabawasan na ang paggamit ng cell phone para matutukan ang anak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Isabelle binabawasan na ang paggamit ng cell phone para matutukan ang anak

Hinangaan si Isabelle Daza ng maraming netizens dahil maayos na pag-alaga nito sa kanyang anak na si Baltie. Kasama na rito ang maingat na paggamit ni Belle ng kanyang smart phone kapag kasama niya ang kanyang baby boy.

Ayon sa video na ginawa ni Belle, nile-lessen niya ang paggamit ng kanyang smart phone lalo na kapag kasama niya ang kanyang baby.

Mas importante raw na mas maraming siyang quality time with Baltie kesa sa kanyang smart phone.

May average na 136 phone pick-ups and an average screen time of 6 hours and 53 minutes meron si Belle sa isang araw. Kaya ginagawa na raw niya ngayon ang less phone usage and more quality time with Baltie.

Isa sa mga nag-comment ay ang mommy niya na si Ms. Gloria Diaz.

“Haha belle yes yes yes but u are a good mom,” comment pa ng former Miss Universe kay Belle.

Victoria’s Secret Angel na si Heidi Klum parang hindi apat ang anak

Sa edad na 45, walang keber ang former supermodel at Victoria’s Secret Angel na si Heidi Klum na ipakita ang kanyang fit body.

Sa isang naging working vacation ni Heidi sa Hong Kong kasama ang fiancé na si Tom Kaulitz, pinost nito sa kanyang Instagram na suot lang niya ay lacy black bra at high-waisted jeans. Suot din niya ang mga mamahaling diamonds mula sa Lorraine Schwartz. Pinaligiran nga ni Heidi ang kanyang katawan ng milyones na halaga ng alahas ng pamosong designer.

Bumilib ang 6.1 million followers ni Heidi dahil sa kahit na apat na ang anak nito, napanatili pa rin ng German supermodel ang kanyang figure at nakakabingwit pa rin ito ng boylet na mas bata sa kanya.

vuukle comment

ISABELLE DAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with