^

Pang Movies

Big reveal ng 31 celebrities na nasa drug watchlist, inaabangan na!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Marami na ang naiinip sa big reveal ng 31 celebrities na nasa PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) drug watchlist.

Sana ilabas na ‘yon para hindi palaging nanghuhula na lang ang mga tao.

Mas maganda rin na i-reveal na ‘yon para naman kung hindi naman talaga sila gumagamit ng illegal drugs, maipagtanggol naman ng 31 celebrities ang mga sarili nila sa bintang na ‘yon, huh!

Partylist suportado nina Yassi at Coco

Suportado ni Coco Martin, pati na rin ni Yassi Pressman ang partylist na Ang Probin­syano (#54).

May lumalabas na video material kung saan ay ine-endorse ni Yassi ang Ang Probinsyano partylist.

Si Coco naman, kahit sobrang busy, naglibot kahapon sa Cebu para sa motorcade ng nasabing partylist.

Kasama niya sa Cebu motorcade ang businessman na si Ronnie Ong na second nominee ng Ang Probinsyano partylist.

Kilala sa showbiz si Ronnie dahil marami siyang showbiz personalities na ka-close lalo na si Manay Lolit Solis.

BFF din ni Brian Poe Llamanzares (anak ni Senator Grace Poe) si Ronnie.

Going back to Ang Probinsyano partylist motorcade sa Cebu kahapon, sobra silang pinag­kaguluhan, huh!

Serye ni Kyline kulelat kaya iniba ng timeslot

Ang pilot telecast mamaya ng Bihag na pinagbibidahan nina Max Collins, Jason Abalos at Mark Herras sa Afternoon Prime ng GMA-7.

Ang Bihag ang papalit sa timeslot ng Inagaw Na Bituin ni Kyline Alcantara pagkatapos ng Dragon Lady ni Janine Gutierrez.

Hindi naman mawawala ang series ni Kyline dahil ‘yon ang papalit sa nabakanteng timeslot ng My Special Tatay na nagtapos na noong Friday.

Iniintrigang mahina ang series ni Kyline kaya ililipat ng timeslot.

Dahil nga pala sa Bihag, napag-uusapan na naman ang hiwalayan ni Mark at ni Winwyn Marquez.

Pati ang sex video scandal ni Mark ay nausisa na naman, na hindi naman talaga niya ikinakaila at sinabi pang 18 years old lang siya nang mangyari ‘yon at tatawa-tawa lang siya nang ipaalala sa kanya ang tsikang isang Koreana ang ka-video chat niya habang nagma-masturbate siya, huh!

Arjo hindi makabuntot kay Maine sa sobrang busy

Ang alam ko, hanggang nga­yon ang taping ng Lenten Special episode ng Eat Bulaga. nina Maine Mendoza, Paolo Ballesteros, Ruby Rodriguez at iba pa at bukas ang balik nila ng Maynila.

Malamang, sa San Juan, La Union na sila ngayon.

Mala-road trip ang episode ni Maine sa Lenten Special na ‘yon ng Eat Bulaga at kasama rin ang Kalinga, Apayao at Atok, Benguet sa mga pinagteypingan nila.

Hindi ko lang alam kung nakasunod kay Maine sa kahit na saang sa locations na ‘yon si Arjo Atayde dahil busy rin naman ang binata sa promotions ng Stranded movie nila ni Jessy Mendiola at may taping din siya ng The General’s Daughter.

Happy nga pala ang pamilya ni Arjo sa magandang feedback sa acting niya sa Bagman.

In fairness, isa si Arjo sa pinakamagagaling na aktor ng kanyang henerasyon!

vuukle comment

DRUG WATCHLIST

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with