^

Pang Movies

Bianca Umali nagka-diploma kahit hectic ang schedule!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Bianca Umali nagka-diploma kahit hectic ang schedule!

Congratulations to Kapuso tween star Bianca Umali na sa kabila ng busy schedules niya ay nakaya pa rin niyang maka-graduate ng Senior High School.  Last Thursday, ginanap ang kanilang graduation sa Veritas Catholic School sa BF Parañaque City.

Ang kanyang diploma ay inihandog ni Bianca sa kanyang lola na siya nang nagpalaki at sumubaybay sa kanya, nang magkasunod na nawala ang kanyang parents.

Nakakahanga for a young actress na tulad ni Bianca na hindi kinalimutan ang studies niya kahit mahirap sa kanya ang taping ng bago niyang epicserye na Sahaya na pinag-aralan pa niya ang kaugalian ng mga Badjao, mula sa mga katutubo nilang sayaw at ang pagsisid sa malalim na bahagi ng dagat.

Isinabay pa ni Bianca ang pagsu-shooting din nila ng ka-love team na si Miguel Tanfelix ng Family History with Michael V and Dawn Zulueta at tinapos na rin nila shooting ng ang horror movie nila sa APT Entertainment.

Dalawa pa sa Kapuso stars ang nag-graduate naman sa college, sina Yasmien Kurdi at Renz Valerio na nag-graduate as magna cum laude.  Si Therese Malvar naman kahit halos daily ang taping niya ng Inagaw Na Bituin, hindi siya humihinto ng pag-aaral na kahit sa set, dala niya ang books niya, para ma-maintain niya ang Rank 1 sa school.

Maine Mendoza biyaheng Mountain Province

Malalaki ang production, parang gumagawa ang TAPE Inc. ng pelikula para sa kanilang Eat Bulaga Lenten Special, na nasa ika-40 taon nang nagbibigay ng inspiring stories na napapanood tuwing Holy Monday, Holy Tuesday at Holy Wednesday, na ginagampanan ng Dabarkads at mga special guest, para sa pagdiriwang din nila ng ika-40 taon na ng longest-running noontime show since 1979.  Mapapanood ito sa loob ng two and a half hours.

Pabalik na sa bansa ang grupo ni bossing Vic Sotto na sa Japan nag-shoot ng kanilang episode. Kasama niya sa cast sina Pauleen Luna, Allan K, Luane Dy, Jose Manalo. Ryzza Mae Dizon at Jimmy Santos.

Nakatakda namang umalis ngayong Saturday after ng EB si phenomenal star Maine Mendoza para sa episode nila na kukunan ang kabuuan sa Mountain Province. Ang bubuo sa episode na ito ay sina Senator Tito Sotto, Ruby Rodriguez, Anjo Yllana, Maureen Wroblewitz at Paolo Ballesteros.

Samantala, mauuna nang magkaroon ng summer special ang sitcom nina Vic Sotto at Maine Mendoza, ang Daddy’s Gurl.

After ng 24th birthday ni Maine last March 2, nag-taping na si Maine at ang buong cast ng sitcom, sa isang beach sa San Juan, Batangas.

Sa direksyon ni Chris Martinez, napapanood ang Daddy’s Gurl every Saturday, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

vuukle comment

BIANCA UMALI

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with