^

Pang Movies

BF ni Andi napagkamalang bodyguard!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
BF ni Andi napagkamalang bodyguard!

Buntis na pala uli si Georgina Wilson sa husband niyang si Arthur Burnand. “Another adobo loving baby coming right up,” sabi ni Georgina na isang sucessful businesswoman na rin.

Preggy din ang dating TV host / model na si Divine Lee na misis ng negosyanteng si Blake Go. Tulad ni Georgina, meron na rin silang isang anak. Mas gumanda nga pala ngayon si Divine Lee kesa nung sila pa ng aspiring actor na si Victor Basa na naglaho na rin sa showbiz ngayon.

At siyempre, si Andi Eigenmann ay malapit-lapit na ring manganak sa second baby niya na ang ama ay si Philmar Alipayo na kilalang surfer at napagkamalan na bodyguard niya sa isang event recently. Big girl na ang panganay ni Andi kay Jake Ejercito. “Let your smile change the world but don’t let the world change your smile, Ellie,” message ni Andi sa anak.

Maymay nakasuot na ng korona!

Natuloy ang pagiging beauty queen ni Maymay Entrata.

Yup siya ang magbibigay ng inspirasyon sa mga kababaihan  sa kanyang pagganap bilang ang Aeta beauty queen ng Mariveles, Bataan na si Judith Manap, na hindi lamang buong tapang na hinarap ang diskriminasyon, kundi tumulong pa sa kanyang sari­ling kababayan, na mapapanood ngayong Sabado, (30 Marso) sa MMK.

Buong buhay naranasan ng pamilya ni Judith (Maymay) ang pangungutya dahil lamang sa kulay ng balat nito. Ngunit nang magkaron ng pagkakataon para lumahok at kumatawan sa kanyang tribo sa Mutya ng Biaan, natuto itong magkaron ng lakas ng loob upang magpursige sa buhay.

 Determinadong pinasok ni Judith ang timpalak dahil alam niyang kapag siya’y manalo, hindi lamang niya matutulungan ang pamilya kundi maipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral. 

Nagwagi si Judith at tinanghal na Mutya ng Biaan at mataas ang naabot sa  Mutya ng Mariveles 2019. Ginamit ni Judith ang premyong salapi upang bigyan ang kanyang kapwa-Aeta ng pagkaing hindi nila laging natitikman. Balak rin niyang sa pagtatapos ng kanyang paghawak ng korona, ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Mapapanood ito bukas sa MMK na idinirehe ni John Lapus.

In real life, inuudyukang sumali si Maymay sa Binibi­ning Pilipinas pero siya na ang nagsabi hindi siya bagay doon. Pero at least sa MMK natupad naman ang wish sa kanya ng maraming fans.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with