^

Pang Movies

Agot nine year bago uli na-in love

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Agot nine year bago uli na-in love
Agot

After almost nine years of being single matapos silang magkahiwalay ng kanyang ex-husband na si Manu Sandejas in 2011, in love na muli ang singer-actress na si Agot Isidro sa senatoriable, at dating Solicitor General na si Atty. Florin ‘Pilo’ Hilbay at ito’y personal na ring inamin ni Agot.

Since kandidato sa pagka-senador si Pilo, all out ang suporta sa kanya ng kasintahang si Agot.

Kung tutuusin, hindi ganoon kaingay ang pangalan ni Pilo Hilbay sa pagka-senador, pero isa siya sa pinaka-qualified among the senatoriable candidates.

Kung si Atty. Pilo Hilbay ang makakatuluyan ni Agot, tiyak na maraming malalapit sa singer-actress ang matutuwa at masuwerte rin naman si Pilo kay Agot na nagtapos ng Interior Design sa University of the Philippines kung saan din nagtapos ng abogasya ang kanyang nobyo ngayon.

Fox may ginawang Tagalog movie

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magpu-produce ng isang local movie ang Fox Philippines na pinamumunuan ng Senior Vice President and General Ma­nager na si Jude Turcuato. Out of about 100 scripts submitted, they singled out Maledicto, isang horror movie na sinulat ng Palanca winner-writer na si Jonathan Guillermo mula sa direksiyon ni Mark Meily. Ito’y tinatampukan nina Tom Rodriguez who plays the role of Father Xavi at si Jasmine Curtis-Smith na siyang gumaganap sa batang madre at siyang magsasagawa ng exorcism on Agnes na ginagampanan naman ni Miles Ocampo.

Ang nasabing pelikula na siyang maiden offering ng Fox Philippines ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa May 1, 2019.

vuukle comment

AGOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with