^

Pang Movies

Angelica Panganiban ayaw nang balikan si Carlo Aquino

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Angelica Panganiban ayaw nang balikan si Carlo Aquino
Angelica Panganiban

Obviously, wala na sa bucket list ni Angelica Panganiban na makipag-reconcile muli sa ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino for the fourth time.

Kung bakit for the third time ay muli silang nag-break ni Carlo, ayaw ihayag ni Angelica sa thanksgiving presscon for her series, Playhouse.

Maliban kay Carlo, in full force na dumating ang major cast ng Playhouse, consisting for Zanjoe Marudo, Maxene Magalona, Isabelle Daza and child actor Justin James Quilantong.

All of them admitted na mami-miss nila ang isa’t isa. They were a family all the while doing the series for nearly seven months.

Maliban kay Zanjoe na may nakatakda nang project na gagawin, balak daw muna ni Angelica, Maxene at Isabelle to take a break.

“Sa akin po, tulad ni Tito Zanjoe, gusto ko pong magkaroon kaagad ulit ng trabaho. Lalo na po at school vacation,” ani Justin James.

JJ short for Justin James, is seven, will be in grade three when school open in June. Sa St. Mary’s College in Quezon City daw siya pumapasok.

Zanjoe ‘di nag-attempt kay Angelica

Natawa si Zanjoe nang sa nabanggit na presscon ay may nagtanong sa kanya, kung bakit walang balitang nag-attempt man lamang siyang ligawan si Angelica, na obvious nga naman na ang dahilan ay nasa cast din ng series si Carlo.

In the case of Bela Padilla, na na-link sa kanya nang gawin nila ang series na My Dear Heart, kabi-break lang ni Bela noon sa dating boyfriend nitong movie producer na si Neil Arce.

Sa kaso nina Zanjoe at Bela, ‘di man nila i-articulate pareho, hanggang friends lang ang kanilang naging relasyon.

JK malungkot ang buhay

Hindi lubusang sinisisi ni Ogie Alcasid ang young at baguhang singer na si JK Labajo sa naging reaction nito sa diumano’y isang basher na isinigaw ang pangalan ni Darren Espanto habang nagpe-perform ito sa isang event.

“Bata pa naman siya,” said Ogie to JK. “At obviously, di pa sanay na inaasar habang nagpe-perform.

“But, in time, I know na matuto rin siya. In the same way na matuto rin sana ang audience na igalang ang isang performer habang nagpe-perform.”

Of Ogie, ang kanyang pelikula na Kuya Wes, with Ina Raymundo is currently showing in theaters nationwide.

Wish ni Ogie na kumita ng malaki ang Kuya Wes, para raw magkaroon agad ng kasunod.

Ogie co-produces Kuya Wes with Spring Films, which is owned by Piolo Pascual, Cornerstone Management owner Erick Raymundo and Direk Joyce Bernal.

Samantala, ang lungkot ng kuwento ng buhay ni JK, Salve A., bago siya nakilala bilang singer.

Sa pagkakaalam ko, isang German ang kanyang ama, whom he never had the chance na ma-meet.

His mom na sanay namang mag-isa ay tumayong parehong ama at ina sa kanya. Ang nanay niya raw ang nag-encourage sa kanya na mag-practice. Nakikinita raw kasi nito na nagpe-perform ito sa entablado.

They live in Cebu City, then nagkaroon nga ng chance na makipag-compete siya sa isang contest sa ABS-CBN.

JK was supposed to accompany by her mom. Kaso, a few days bago sila umalis patungong Maynila, bigla siyang binawian ng buhay.

Ang kanyang lola at ilang relatives lang ang nag-aalaga sa kanya.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with