^

Pang Movies

Carlo ‘di nasipot si Nadine sa premiere ng Ulan!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Carlo �di nasipot si Nadine sa premiere ng Ulan!

Nagkaroon ng dalawang magkahiwalay na red carpet premiere ang pelikulang Ulan sa SM Megamall at Trinoma Mall na pinagbibidahan ni Nadine Lustre minus her screen and real-life partner na si James Reid. This time ay kapareha ni Nadine si Carlo Aquino kasama sina Marco Gumabao at AJ Muhlach.

Dahil inuna ang screening sa SM Megamall, medyo late nang nakapagsimula sa Cinema 7 ng Trinoma kung saan din dumalo sina Nadine, Marco Gumabao at Direk Irene.  Naroon din ang ibang bumubuo ng cast tulad nina AJ Muhlach na bitbit ang kanyang non-showbiz girlfriend, Andrea del Rosario, Leo Martinez at ang child actress na si Ella Ilano na siyang gumanap sa batang Maya, ang role na ginampanan ni Nadine. Dumalo rin ang big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario kasama ang kanyang lady-love na si Joanne Quintas maging ang mga executives ng HOOQ Philippines na siyang co-producer ng pelikula with Viva Films and N2 Productions.

Hindi naman nakasipot ang bagong leading man ni Nadine sa Ulan na si Carlo Aquino kaya si Marco Gumabao ang kasama niya sa dalawang magkahiwalay na premiere night.

Maganda ang rehistro ni Marco sa screen na isang hunk bukod pa sa mahusay itong umarte.   He could be the next in-demand leading man kung ito’y maaalagaan ng magandang material at kapareha.

Generally, maganda ang pelikulang Ulan na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) na kakaiba ang kuwento at atake ni Direk Irene.

Gabby idinemanda ng sariling kapatid!

Idinemanda ng nakababatang kapatid ni Gabby Concepcion na si Miguel Concepcion ang kanyang elder brother na si Gabby dahil umano sa falcification of public documents na may kinalaman sa pagbebenta ng kanilang 890-square meter lot sa San Juan, Metro Manila na pag-aari umano ng kanilang ina na si Mrs. Ma. Lourdes Arellano Concepcion.

Naniniwala si Miguel na hindi ang kanilang ina ang nagbenta ng nasabing lote dahil kasalukuyan umano itong nasa Amerika nang i-notarized ang Deed of Sale hindi sa San Juan kundi sa Tagaytay pa. Ang transfer of ownership ng lote ay nasa pangalan umano ni Gabby who is Gabriel Arellano Concepcion in real life.

Si Gabby ay pangalawa sa anim na magkakapatid habang si Miguel naman ay pang-lima.

Bukas ang aming column para sa panig ni Gabby.

Janine naka-LV mula ulo hanggang paa

Ngayon lamang naglabasan ang ginawang pictorial ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez sa Tokyo, Japan last December 2018 na may kinalaman sa luxurious brand na Louis Vuitton (LV) na-feature sa lifestyle glossy magazine na Preview.

Bukod sa paboritong brand ni Janine ang LV, nagkaroon siya ng pagkakataon na magsuot  (from head to toe) ng iba’t ibang fashion products ng LV mula sa damit, pants and tops, scarfs, shoes, bags, jewelries at iba pa.

Si Janine ay napapanood ngayon sa kanyang bagong afternoon TV series na Dragon Lady on GMA kung saan niya kapareha sina Tom Rodriguez at Edgar Allan Guzman.

Sa darating na May ay sandali siyang lilipad ng New York, USA para dumalo sa graduation ce­remony ng kanyang close friend. Hindi pa maliwanag kung makakasama niya sa biyahe ang kanyang rumored sweetheart na si Rayver Cruz.

vuukle comment

CARLO AQUINO

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with