^

Pang Movies

Nakatapos na sa pag-aral, Rhian balik-Pinas na!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Nakatapos na sa pag-aral, Rhian balik-Pinas na!

Nakabalik na sa bansa ang Kapuso actress na si Rhian Ramos.

 

Galing sa New York City si Rhian para mag-aral ng short acting courses. Doon niya pinalipas ang Pasko at Bagong Taon. Namuhay siyang mag-isa at tiniis ang lamig sa Big Apple.

Simpleng “Home” lang ang caption niya sa Instagram. Pero aminado siya sa nakaraang posts na nami-miss niyang umarte.

Nadine ayaw sa plastik!

Suportado ni Nadine Lustre ang campaign ng Green Peace laban sa plastic.

Sa tweet ng entertainment reporter na si MJ Felipe, may kuha siyang sakay ang Multi-Media Princess ng Rainbow Warrior Vessel. Bago ‘yon, may video siyang kausap ang first mate ng vessel para malaman ang tungkol sa barko at ang layunin nito.

Mahilig sa beach ang girlfriend ni James Reid kaya gusto rin niyang mapanatiling malinis ang ating mga dagat.

Alden ‘di natiis ang birthday ni Maine kahit may lakad

Bumaha ng cakes sa advance birthday celebration ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga kahapon.

May nag-akalang absent si Alden Richards sa special occasion pero present siya’t guwaping na guwaping ang dating sa suot na suit, huh!

May natanguang event ang Pambansang Bae kahapon pero dahil kaibigan siya ni Meng, hindi niya puwedeng tablahin ‘yon, huh!

Guest din si Alden sa birthday episode ni Maine sa Daddy’s Gurl pero wala pang announcement kung ano ang eksaktong role niya sa sitcom.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with