Zia entertainer na agad
Wow singer na agad si Zia Dantes.
Isa ang special song number ni Zia sa baby shower ng second baby nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa nagpasaya ng husto sa sa kanilang mga bisita.
Bukod pa sa talagang super excited na silang lahat sa bagong baby na lalabas. “We are sooo excited for the arrival of the boy who will surely rock our world. Grabe ang pasasalamat ko to all our friends, katrabaho, and family for sharing this excitement with us. Thank you for showering us with your love. Literally, we are over the moon to be surrounded by people like you. Special mention to @teenabarretto for organizing this for me. Without us —my husband and I— moving a muscle, she was able to mount this memorable event that will be looked back at when our little boy is no longer a baby. Sending my love back to all of you! ,” sabi ni Yan na parang lumubo lang naman ang tiyan at walang pamamanas kahit dati na niyang sinabi na mas mahirap ang pagbubuntis niya ngayon kesa noon kay Zia.
Arnell bumitiw sa trabaho sa gobyerno
Oh bumitiw na pala sa OWWA ang TV host and comedian na si Arnell Ignacio.
Ayon sa kumalat na balita, sa March 1 pa ang effectivity ng kanyang resignation.
Walang binigay na mahabang paliwanag si Arnell kung bakit siya bumitiw sa kanyang posisyon bilang Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ang sabi ni Arnell nang makausap ito ng kaibigang si Gorgy Rula, gusto na niyang rumaket dahil marami na itong napalampas.
Mas priority na rin daw nito ang problema ng pamilya na napabayaan siya nang maupo sa gobyerno.
- Latest