^

Pang Movies

Martin may pa-hamburger sa birthday

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Martin may pa-hamburger sa birthday
Martin Nievera

Birthday kahapon ni Martin Nievera, pero wala naman siyang big party

Actually, according to her personal manager, si Joy Alonzo, sa bahay lang daw sa Alabang ang Concert King.

“Gagawa lang siya ng burgers for his family and some friends,” sey ni Joy.

Alam mo, Ateng Salve, may Chinese New Year dinner din kasi ako with the family of Jeric and Jeron Teng, pero kung wala sana, type kong sumama kay Joy sa bahay ni Martin para makikain ng kanyang hamburger na sobrang sarap.

‘Yung patties kasi ng burger ni Martin ay siya mismo ang nag-iihaw at ang sarap-sarap. I still remember nga last year nang magkaroon sila ng rehearsal para sa Valentine concert nila nina Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid at Erik Santos, ang #pa-MORE, nagpa-hamburger din si Martin.

Siguro sa rehearsal nila ni Lani Misalucha para sa Timeless Classics Valentine concert nila sa PICC ay magpapa-hamburger si Martin, kaya a-attend ako roon!

Hahaha!

Kasal nina Rodjun at Dianne walang urungan!

Alam mo, Ateng Salve, ramdam na ramdam ko ang kalungkutan ni Rodjun Cruz nang pumunta ako sa wake ng nanay nila ni Rayver, si Mommy Beth (Elizabeth Cruz).

Sobrang affected nga ang magkapatid sa pagyao ng kanilang nanay sa edad na 64.

Nang magpunta ako sa wake, nakita ko si Janine Gutierrez, pero wala ang fiancé ni Rodjun na si Dianne Medina.

“Nagpa-print siya ng tarpaulin ng pictures ni Mama na ilalagay mamaya,” sabi ni Rodjun.

So, matutuloy ba ang kasalan nila ni Dianne sa December?

“Itutuloy namin, Tito Jun. Kilala n’yo naman ang ugali ni Mama, for sure, hindi siya papayag na ipagpaliban muna namin ‘yon, so tuloy po,” sabi ni Rodjun.

Xian walang tulugan

Ngayon ang opening day sa mga sinehan ng pelikulang Hanggang Kailan nina Xian Lim at Louise delos Reyes, pero nasa Hong Kong ang aktor para sa isang event doon.

Naikuwento nga ni Xian noong premiere night ng Hanggang Kailan last Monday sa SM Megamall na halos hindi na siya matutulog dahil maaga ang flight nila pa-Hong Kong kahapon.

Happy nga pala si Xian sa magandang feedback sa Hanggang Kailan.

Siyempre, wish ng aktor na kumita ang pelikula nila ni Louise.

Elise ni Janine nakakuha ng ‘A’

Ngayon din ang opening day sa mga sinehan ng Elise ni Janine Gutierrez.

Natuwa si Janine sa kuwento ko na mukhang potential box-office ang Elise dahil maganda nga ang feedback ng mga nakapanood na nito.Very thankful din si Janine na graded A ng CEB (Cinema Evaluation Board) ang Elise. Kagabi ay ginanap sa Gateway mall ang premiere night ng Elise.

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with