^

Pang Movies

Sakit pag nawala ang nanay kakaiba!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sakit pag nawala ang nanay kakaiba!
Rayver Cruz

Kapag ang mga mo­ther ang nawala sa buhay,you feel the most painful pain in your life, lalo pa kung ‘yon ang first death sa family ninyo.

Kapag hindi ka pa kasi namatayan, parang hindi mo naman nadarama ang talagang pain ng pagkawala.

Alam mo lang na may namatay pero you wouldn’t know, unless ikaw mismo ang nakaranas.

Nang mamatay ang nanay ko ang first death sa pamilya namin. For a while parang hindi totoo, parang nangyayari lang pero hindi real.

After a week nang ili­bing ang nanay ko saka ko na-realize na  totoo pala, wala na siya. Totoo pala na may mga namamatay, may mga  nawawala na akala ko hindi mangyayari.

A big part of your heart is gone, parang bigla iba na ang paligid. You started to miss her, look for her, pero wala na.

Wala nang sasakit pa sa pagkawala ng isang nanay dahil totoo na karugtong  sila ng ating buhay.

For years, nandoon ang sakit, once in a while pumapasok sa isip mo, may panahon dinadaya mo ang sarili mo, kunwari buhay pa sila at nandiyan lang.

Losing a mother is losing half of your life. Hindi mo malilimutan habang buhay ka.

If a child is a precious gem, what more a mother? She is more precious than a gem, more precious than all the things in this world.

So to Rodjun and Rayver Cruz we condole with you for the lost of your mom. Be brave, we will pray for her.

Puro lalake pala ang anak ni Beth Cruz, sina Omar, Rodjun at Rayver kaya siya ang nag-iisang reyna ng kanilang pamilya.

Naging matatag si Beth noong nagkasakit ito ng pancreatic cancer dahil lumaban talaga siya para sa kanyang mga anak pero talagang hanggang doon na lang ang buhay niya.

Dahil sa tapang na ipinakita ng nanay nila, nagpapakatatag ngayon sina Omar, Rodjun at Rayver.

Halata ang pamamaga ng kanilang mga mata dahil sa sobrang pag-iyak at pangungulila sa nanay nila pero sa harap ng mga bisita, nagagawa pa ng tatlo na ngumiti.

Makikita naman sa mga litrato at video ng magkakapatid ang closeness nila sa kanilang ina. Mahigpit ang mga yakap nina Omar, Rodjun at Rayver kay Beth sa mga litrato na ipino-post nila sa Facebook at Instagram.

Tirso, parang ako...

“No” ang sagot ni Tirso Cruz III sa isang nagtanong sa kanya kung nanay ba nina Rodjun at Rayver si Beth.

Siyempre, nagtaka ang fans dahil alam ng lahat na nanay ng magkapatid ang pinsan ni Tirso na pumanaw noong February 2.

Sa palagay ko, hindi masyadong naintindihan ni Tirso ang tanong ng fan or puwede rin na nagkamali siya ng pagpindot sa cell phone niya dahil nangyayari ito sa akin. Baka katulad ko si Tirso na hindi techie kaya nagkakamali kami sa mga itina-type namin na words sa aming mga cell phone.

Napaka-imposible kasi na itanggi ni Tirso ni Beth na ito ang nanay nina Rodjun at Rayver eh balitang-balita na ulila na sa ina ang magkapatid. Intindihin natin si Tirso dahil ipinagluluksa pa rin niya ang pagkawala ng kanyang panganay na anak na si TJ.

vuukle comment

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with