^

Pang Movies

Maine may warning sa fake news!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Maine may warning sa fake news!
Maine Mendoza

Nag-tweet si Maine Mendoza kaugnay ng lessons na inilabas sa Daddy’s Gurl episode ng sitcom.

“1. Mag-ingat sa fake news. 2. Wag magbalita hangga’t di confirmed. 3. Wag basta-basta maniwala sa sabi-sabi.”

Naku, sa dami ng posers ngayon sa social media, hindi na natin malaman kung ano ang totoo sa fake news. Gaya ng nakita namin sa Instagram na may username na @rpndztg ang nagpu-post ng mga event ng gaganapin ng Kapuso network, huh!

Ilan sa posts ng nasabing poser nu’ng January 3, merong storyconference daw si Nora Aunor sa January 28, 2019 na may hashtag na #walangtuluganwiththesuperstar.

Post pa nito, magkakaroon ng press conference ang coming GMA series na Kara Mia last week eh February pa ang airing nito. Nag-post din siya ng ilang pictures ng diumano’y candidates sa Bb. Pilipinas 2019 at kasama rito si Ria Atayde, anak ni Sylvia Sanchez.

Nang i-check namin ang profile ng nasabing netizen, wala itong laman at 103 lang ang followers! Pero ang lakas ng loob mag-post ng events ng dalawang networks eh wala siyang alam sa regulasyon ng networks pagdating sa pag-invite ng press para sa kanilang events, huh!

Isang kaibigang writer na malapit sa networks ang nagkomento ng, “Fake news” ang posts ng netizen.

Pacquiao pinansin ang mga ‘epal’ sa kanyang paligid

Nakakaloka ‘yung mga epal sa tuwing ini-interview si Senator Manny Pacquiao bago ang laban niya kay Adrien Broner sa January 19. Nandoon sila talaga sa likod ng Pambansang Kamao habang nagsasalita ito.

Pero may ilan naman nag-e-emote sa harap ng kamera, huh! Buti na lang, binanggit sila ni Pacquiao bago matapos ang interview kaya sumigaw talaga sila!

Ay sa Las Vegas pala ang venue ng boxing fight kaya alam ninyo na!

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with