^

Pang Movies

Marian idinonate ang mga kinita nung Pasko!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian idinonate ang mga kinita nung Pasko!

Si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang personal na pumunta sa opisina ng Kapuso Foundation para i-turnover ang lahat ng proceeds ng kanyang Noel Bazaar ukay-ukay na ginanap sa World Trade Center last Christmas season.

 

Cash ang iniabot ni M­arian kay Kapuso Foundation Chairman Mel Tiangco dahil gusto raw niyang ma­kita ng mga namili sa kanilang Noel Bazaar na lahat ng benta nila ay ibinalik nila sa Kapuso Foundation.

Mabilis nga raw naubos ang mga ibinenta roon dahil si Marian, naglabas din ng mga damit na ang iba ay mga personal favorite niya. Kapag libre din si Marian, personal siyang nagsu-supervise ng bentahan nila.

Na-interview sa Chika Minute ng 24 Oras si Marian at natanong siya kung may nakahanda na ba silang pangalan sa baby boy nila. Ang sagot ng Primetime Queen, “Meron nang dalawang names kaming napili pero sabi ko kay Dong, siya na ang bahala dahil ako pareho ko namang gusto ang da­lawang names na napili namin,” sagot nito. “And since baby boy ang isisilang ko, siya na ang magbigay ng pangalan.”

Noon kasi ay may nagtatanong kay Dingdong kung The Fourth daw ang baby nila, dahil siya ay si Jose Sixto Gonzales Dantes III na.

Bong walang katapusan ang pasasalamat kay Lani

Sa pag-welcome nina Mother Lily Monteverde at Mrs. Marichu Perez-Maceda kay former Senator Bong Revilla sa pagbabalik niya after four years and six months na sabi nga niya ay parang huminto ang lahat sa kanya, may mga pagkakataon na pinipigilan niyang mapaiyak. Pero sabi nga niya, gusto na niyang mag-move forward at harapin na ang mga plano niyang gawin ngayong malaya na siya.

Bukod sa Diyos at sa daddy niyang si Ramon Revilla Sr., ang kanyang family at ang mga taong hindi siya iniwanan sa kanyang laban at patuloy siyang sinuportahan, hindi nakalimutan ni Senator Bong na pasalamatan ang asawang si Bacoor City Mayor Lani Revilla.

“Doon ko napatunayan kung gaano ako kamahal ng asawa ko,” sabi ni Sen. Bong.

“Habang wala ako, siya ang tumayong ama at ina ng mga anak namin, siya ang ina ng Bacoor. Siya ang nag-ikot sa buong bansa nang magdeklara ako na tatakbo ako sa darating na eleksyon. Kaya kapag napapanood ko sa TV ang ginagawa niya, hindi ko mapigilang mapaiyak at sinabi kong hindi ako nagkamali nang piliin ko siya bilang asawa ko. Napakabait, napaka-understanding at napaka-supportive niya.”

Ngayong nakalabas na siya, aasikasuhin na ni Sen. Bong ang pag-iikot sa buong Pilipinas para sa nalalapit na eleksyon sa May, 2019 at isusunod na niya rito ang muli niyang paggawa ng movie na na-miss daw niya nang husto. 

Sa video na ipinakita during the thanksgiving lunch, may teaser na ng Alyas Pogi 2 pero hindi sinabi ni Sen. Bong kung ito ang first movie niyang gagawin o ito ang magiging entry niya sa 2019 Metro Manila Film Festival.

 

 

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with