^

Pang Movies

Anne suwerte sa 2018

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Anne suwerte sa 2018

Pinaka-exciting year na marahil ngayon ng karera ni Anne Curtis dahil for the first time lumalaban siya bilang best actress sa Metro Manila Film Festival 2018 para sa movie niyang Aurora pero ang nakakapagpa-excite sa kanya ay ang pangyayaring isang beterana at napakagaling na artistang si Gloria Romero ang mahigpit niyang katunggali for the award.

 

Kung si Anne ay ginugulo ng mga masasamang elemento sa kanyang pelikula, si Gloria ang babaeng iniwan ng kanyang asawa makaraan ang mahigit sa 50 taon nilang mag-asawa para sa isang lalaki na matagal na nitong minamahal.

Katatakutan ang hatid ni Anne at walang puknat na iyakan naman ang palalaganapin ni Ms. Romero na anang mga nakapanood ng mga movies nila ay matagumpay naman nilang naipahatid sa mga mano­nood.

I’m sure sitting pretty na lamang ang beteranang aktres sa paghihintay sa magiging resulta ng Gabi ng Parangal, sanay na siya sa ganitong awards, marami na siyang napanalunan pero, si Anne, I’m sure ay alumpihit sa kanyang kinalalagyan. Magaling ang kanyang kalaban, marami ang sampalataya dito pero, kapag sinuwerte siya, daig pa niya ang nanalo sa lotto.

Paolo bumigay din sa Born Beautiful

Hindi rin naman pinabayaan ni Paolo Ballesteros ang movie na Born Beautiful na nagbigay sa kanya ng maraming parangal at re­cognition. Pumayag siyang mag-guest sa Born Beautiful na sequel ng ginawa niya para sa kumpanya nina Perci Intalan at Jun Lana na Idea First . Si Martin del Rosario naman ang bida sa Born Beautiful na ngayon pa lamang ay sinasabi nang nagbigay ng isang magandang performance. Palabas na ito sa January 23, 2018.

Maricel ayaw na sa supporting role

May pagsisisi kayang nadarama si Maricel Soriano nang kay Aiko Melendez mapunta ang role niya sana sa Rainbow’s Sunset?

Inayawan ng Diamond Star ang role dahil support lang ito kina Gloria, Eddie Garcia at Tony Mabesa. Hindi naman marahil malalagay sa alanganin ang kanyang estado bilang aktres kung tinanggap niya ng supporting role lalo’t mga iconic actor naman ang susuportahan niya.

Mga pelikulang kulelat, block screening ang pantapat

Hindi na kinakailangan ng pelikula na pumatok sa takilya para lamang masabing marami ang nanood nito. Pagbigyan ka lang ng mga kaibigan mo na magpa-block screening ng movie mo ay makasisiguro ka na ng malaking kita. The more friends na magpa-block screening, the more people na makakatulong sa promo ng movie via words of mouth. Ganito ang dapat gawin ng mga films na mabilis mawala sa mga sinehan. Para lang makasiguro na maishare ang movie sa marami, at kumita rin in the process.

Bagyong Usman sa Pasko at Bagong Taon…

Pasko pa rin naman pero nagbabadya na ng panganib ang bagyong Usman. Lumabas man ito ng bansa bago mag-Bagong Taon, nagbibigay pa rin ito ng takot at malalaking alalahanin sa lahat habang pa­tuloy itong pumapasok ng ating bansa. Let’s just make the most of our celebration of the remaining days of Christmas, kahit nasaan tayo, nasa sarili man nating bahay, nasa mga evacuation centers, sa mga pantalan at airport na maraming stranded na pasahero and pray na daanan lang tayo ng bagyo at huwag mag-iwan ng pinsala.

Merry Christmas pa rin, at happy New Year.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with