^

Pang Movies

Sharon hindi nawawala ang pag-ibig kay Gong Yoo!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sharon hindi nawawala ang pag-ibig kay Gong Yoo!
Sharon

Kung si Anne Curtis ay medyo laylow na sa ‘kabaliwan’ sa Korean actor na si Gong Yoo at si Nay Lolit Solis ay may ibang favorite Korean actor na, si Sharon Cuneta nanatiling loyal kay Gong Yoo.

Gong Yoo

Sa last post niya sa IG, ang Goblin pa rin ang pinanonood niya.

Pero parang malabong makarating sa bansa si Gong Yoo na kahit puntahan sa Korea ay ang hirap maka-meet and greet.

Anyway, after ng pelikulang Three Words to Forever, isang horror movie ang gagawin ni Ms. Sharon with Direk Erik Matti.

Sa nasabing post din ni Sharon ay sinasabi niyang may sakit siya na ang advice ng ibang followers niya ay ‘wag i-claim na may sakit siya para gumaling agad.

Catriona pinapa-beauty rest

Nakikita na sa mukha ni Miss Universe Philippines Catriona Gray ang kangaragan. Hinaha­napan na siya ng freshness. Oo nga naman daw at mara­ming activities, pero  dapat ding mag-beauty rest ang pambato natin sa Lunes.

Pero kinabibiliban siya na pawang mga gawang Pinoy ang gamit ni Catriona sa lahat ng pre-pageant events. Mula sa OOTD, gowns, accessories, at pati raw shoes, kaya maraming proud sa kanya.

Xian

Kahit feeling pang-for­-e­ver na sila, Xian malabo nang maka-loveteam si Kim

Parang si Enchong Dee na ang ka-loveteam ni Kim Chiu.

Ang actor kasi ang naging partner ni Kim sa kanyang dance number sa Christmas Special ng ABS-CBN na mapapanood sa weekend.

KimChong na ang tawag sa kanila.

Ito ay matapos ngang i-declare ni Xian na si Kim na ang kanyang forever sa isang post. “Right now. Tomorrow. And every single day after that,” caption ng actor sa photo nila ni Kim na busy naman sa promo ng One Great Love na official entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

 

vuukle comment

SHARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with