^

Pang Movies

Richard nag-drive test ng motor sa Araneta!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Si Richard Gutierrez habang nakasakay ng motorcycle sa parking structure sa may Smart Araneta Coliseum kahapon.

 

May nagpadala ng picture sa akin ni Richard habang naka-motorcycle, kaya ang akala ko, naka-motor lang siya na nagpunta sa taping ng ABS-CBN Christmas TV Special kahapon.

Nang mag-text ako sa Fantastica star, sinabi niyang hindi kanya ang motorcyle na ‘yon.

“Nag-test drive lang ako, hindi akin ang motorcycle na ‘yon. Naka-car ako na nagpunta sa ABS-CBN Christmas TV Special,” sabi ni Richard nang makausap ko.

Ang alam ko, sina Bea Alonzo at Ian Veneracion ang kasama ni Richard sa production number sa ABS-CBN Christmas TV Special.

May walk-in naman siya at ang iba pang cast ng Fantastica sa production number ni Vice Ganda dahil nag-promote sila ng kanilang Metro Manila Film Festival 2018 official movie entry.

Sa Saturday at Sunday mapapanood sa ABS-CBN ang ABS-CBN Christmas TV Special.

Bong pinagkaguluhan sa party ni Andeng!

Ang mag-asawang Bong at Lani (Mercado) Revilla sa birthday party ni Andrea Bautista-Ynarez noong Lunes.

Masayang-masaya raw si Andeng (paboritong tawag sa kapatid ni Bong) dahil nakapiling na nga niya ang kanyang kuya sa birthday niyang ‘yon.

Mukhang fresh na ang hitsura ng dating senador sa ilang pictures na kuha roon.

Kuwento ng isang bisita, pinagkaguluhan doon si Bong.

Lahat daw halos ng mga bisita ay gustong makapagpa-picture sa actor/politician na kalalaya pa lang mula sa pagkakakulong ng ilang taon sa Camp Crame.

Mga alaga ni Leo bongga ang mga career

Ang pa-Christmas party mamayang gabi ng talent manager na si Leo Dominguez para sa kanyang mga alaga sa LVD Talent Management, Inc.

Ang ilan sa pangunahing stars ng talent management ni Leo ay sina Ogie Alcasid, Lovi Poe, Paulo Avelino, Solenn Heussaff, Janine Gutierrez, Dina Bonnevie, Snooky Serna, Mariel Rodriguez, Rodjun Cruz, ang baguhang sexy actor na si Shido Roxas at iba pa.

Pawang magaganda ang takbo ng mga career ng kanyang mga talent ngayong 2018, kaya very thankful si Leo.

Kasabay naman nila ang big Christmas party ng Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde na sobrang busy sa promotions ng One Great Love na Metro Manila Film Festival 2018 official movie entry na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Dennis Trillo.

Direk Chito nahihirapang maglakad dahil sa gout, Lolit namamalat

Sina Manay Lolit Solis at Direk Chito Roño na kakuwentuhan namin ni Bambbi Fuentes sa kanyang beauty salon sa Timog Avenue, Quezon City kahapon.

Sobrang malat si Manay Lolit at si Direk Chito naman ay sinusumpong ang gout kaya hirap maglakad.

Si Manay Lolit, kahit hirap magsalita, daldal pa rin nang daldal!

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with