^

Pang Movies

Tinanggal nga ang yosi, veteran actress naadik sa vape!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Tumigil na pala sa paninigarilyo ang isang veteran actress, kaya lang, ipinalit naman niya sa sigarilyo ay vape. Sa isang showbiz event, hindi napigilan ng actress na gamitin ang dalang vape habang hindi pa nagsisimula ang event.

Hindi nito alam na may mga reporter na nakakita sa kanya habang nagbe-vape at nagtanungan tuloy ang mga reporter kundi pa ipinagbabawal ang paggamit ng vape sa public place?  Nasa pampublikong lugar kasi ang actress at para hindi siya makita nagtago habang nagbe-vape.

Hindi ito aware na kahit anong tago niya, may nakakita pa rin sa kanya at napag-usapan siya sa umpukan ng mga reporter. Mabuti na lang at iilang reporter lang ang nakakita sa aktres, pero sana itigil na niya dahil masama para sa kanyang may asthma yata.

Youngest mayor ng Bataan, dyowa ni Sophia!

Kasama sa cast ng Cain at Abel ang beauty queen na si Sophia Senoron, pero wala sa presscon ang Kapuso talent na talent din ni Arnold Vegafria. Hindi tuloy natanong kung ano ang role niya sa action drama.

Sa Instagram (IG) nito, prinomote nito ang Cain at Abel at kasama siya sa Christmas Station ID ng GMA-7, kaya legit Kapuso si Sophia.

Kaya rin gusto sana naming ma-interview si Sophia dahil sa tsikang boyfriend nito si Bagac, Bataan Mayor Gabriel del Rosario. Isa sa youngest mayor daw si Mayor Gabriel at maganda sanang matanong si Sophia kung paano nagsimula ang kanilang relasyon.

Naka-private ang Instagram (IG) account ni Mayor del Rosario, kaya hindi namin nabisita. Pero may nakapasok sa account nito at nakitang may mga picture sila ni Sophia at ang gaganda pa ng caption.

Aicelle ginulat si Mark!

Nasa bansa si Aicelle Santos at sinurpresa nito ang fiance niyang si Mark Zambrano na hindi alam na darating siya. Sa video na pinost ni Aicelle na kuha ng airport cab dri­ver, kitang-kita ang panlalaki ng mga mata ni Mark nang pagbukas niya ng pintuan, nabungaran si Aicelle.

“It’s my turn to surprise him! Love the look on your face mahal! Mahal na mahal po kita! #weekoff #home Salamat kay kuya airport cab driver for capturing this moment,” post ni Aicelle.

Ibig sabihin, one week lang dito si Aicelle at baka mag-guest siya sa Sunday PinaSaya this Sunday at pwede rin siyang mag-guest sa Studio 7 dahil Kapuso talent pa rin naman siya. In fact, kasama siya sa Christmas Station ID ng GMA-7 at bongga ang part niya dahil sa abroad kinunan.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with