^

Pang Movies

Boses ng sikat na singer sumasablay na raw!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sumasablay na raw ang boses ng isang sikat na singer nang kumanta sa isang show. Nawala na raw ang kinang ng boses niya ayon sa ilang showbiz press na naka-observe ng guesting niya.

“Birit kasi nang birit eh puwede namang hindi bumirit sa kanta!” rason ng isang mataray na press.

“Naku, nagka-crack na rin ang boses niya sa ilang portion ng kanta. Dapat na siyang magpahinga,” tili ng isang mal­ditang reporter.

Agree naman ang ibang press na kasama ng dalawang reporters sa obserbasyon nila. Tutal naman, ilang paligo na lang eh, matatapos na rin ang kanyang singing career, huh!

Mga anak ni Aiko sobrang close na sa kanyang dyowang pulitiko

Hinilingan ni Aiko Melendez ang boyfriend niyang Subic province Mayor Jay Khonghun na ngumiti nu’ng sinelebreyt nila ang Thanksgiving Day. Mahiyain kasi si Mayor Jay kaya naman ‘yung pinost ni Aiko sa social media account niya ay umabot ng 6,000 views!

Isa kami sa naimbitahan nina Aiko at Mayor Jay sa Subic nitong Sabado at Linggo. Sa maayos nang White Rock Beach and Hotel niya kami pina-stay.

Bago umalis para sa medical mission sa ilang barangay, nakausap namin ang mag-dyowa. Kung kay Aiko eh forever na ang relasyon niya kay M­ayor, kay Mayor Jay naman,“Natagpuan ko na rin sa kanya ang forever and ever amen!”

Sa Japan nila isinilebreyt ang kanilang anniversary. Eh sa darating na birthday ng aktres sa December 16, pinili niyang sa Subic gawin ang selebrasyon dahil ayaw niya ng malaking handaan.

Kumusta naman ang relasyon ng dalawang anak ni Aiko kay Mayor Jay?

“They’re very close kay Mayor especially kay Andre kasi lalaki. Minsan nga nakakatampo kasi si Andrei kasi mas alam pa niya nang una than me. Kasi may bagay na mas comfortable siyang sabihin sa kanya (Jay) than me.

“Si Marteena, five years old pa lang kaya medyo shy siya. Kaya nahihiya siya,” saad ni Aiko.

Siyanga pala, kasama ni Aiko sa festival movie na Rainbow Sunset si Tirso Cruz III. Noong shooting daw nito, walang sinabi si Pip tungkol sa kalagayan ng anak pero may nagsabing meron siyang pinagdaraanan at humiling ng dasal.

vuukle comment

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with