^

Pang Movies

Janno pinakyaw ang loveteam sa kanyang kanta

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Janno pinakyaw ang loveteam sa kanyang kanta
Janno Gibbs

Feeling JKL ang unang single ni Janno Gibbs ngayong nasa bakuran na siya ng StarMusic.

Ang ibig sabihin ng JKL ay J for JaDine, K for KathNiel, at L for LizQuen. Hindi pa nakuntento si Janno at hinakot din pati ang ibang loveteams tulad ng MayWard, KimeRald, at Joshlia.

Nakakaaliw ang part ng linya sa kanta niya na feeling daw niya ay siya si Daniel Padilla.

Tiyak na relate na relate na naman ang millenials sa nasabing kanta dahil sa mga sikat na loveteams ng Dos na kanilang iniidolo at sinusubaybayan.

Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaagaw ng titulo niyang King of Soul, wala pa rin kasing kupas si Janno sa paggawa ng kanta.

Siya ang nagpasikat ng kantang Fallin’ na ginamit bilang OST sa K-Drama na Full House kung saan bumida ang Korean actress na si Song Hye-Kyo at singer na si Rain nang ipalabas sa bansa.

Mula nang lumipat si Janno sa bakuran ng Dos ay nagbalik din ang kanyang sigla. Ang laki na ng kanyang ipinayat.

Bumagay ang looks niya sa bago niyang kanta, feeling young ulit.

Samantala, humihirit naman ang fans niya na sana ay maging judge rin siya sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime kung saan kabilang ang kanyang kaibigan na si Ogie Alcasid.

vuukle comment

JANNO GIBBS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with