^

Pang Movies

Vice umeksena sa game ni Calvin Abueva!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nakaw-eksena si Vice Ganda sa do or die game ng PBA (Philippine Basketball Association) teams na Meralco at Phoenix last Friday sa Araneta Coliseum. Present siya sa game dahil player ng Phoenix ang friend niyang si Calvin Abueva.

 

Bilang pasasalamat sa TV host-actor, isang beso ang pinakawalan ni Abueva nang puntahan niya ang una sa kinauupuan niya kaya todo sigaw ang audience!

Todo-palapak naman si Vice kapag nakaka-shoot ang kaibigan pati na ang kasama niyang sina Karylle at Ryan Bang, huh!

Kahit lagyan ng malisya ang friendship nina Vice at Calvin, hindi pa rin natitinag ang kanilang pagkakaibigan.

Pelikula nina James at Nadine pasok sa Indian Filmfest

Ipinagmalaki ni Direk Dan Villegas sa kanyang Instagram na magiging bahagi ng India International Film Festival ang pelikulang Never Not Love You na dinirek ng girlfriend na si Antoinette Jadaone.

Ayon sa caption ni Villegas, magiging parte ng pelikula ng World Panorama Section simula sa November 20-28. Ilan sa bansa na may pelikulang bahagi ng festival ay Thailand, Poland, Ukraine, Italy, Iran a Egypt.

Ang Never Not Love You ay pinagbidahan nina Nadine Lustre at James Reid.

Chynna may nakakagulat na rebelasyon sa ama!

Nakakagulat ang tweet ni Chynna Ortaleza kahapon tungkol sa kanyang ama pero wala siyang detalye kung anong nangyari.

“Hi Lord! Thank you for taking care of my Papa’s heart. Please continue to heal him. With you nothings is impossible.”

Si Gryk Ortaleza ang father ni Chynna na dating movie produ­cer. Hope is all well sa father ni Chynna.

 

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with