^

Pang Movies

Karla broken hearted kaya nagpagupit

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Karla broken hearted kaya nagpagupit
Karla Estrada

Bumagay kay Karla Estrada ang bago niyang hairdo Salve A., kung saan may pa-bangs pa siya.

But how true na kaya siya nagpagupit ay dahil sa kasalukuyan siyang loveless? Ayon daw ito mismo sa anak niyang si Daniel Padilla.

Kung sabagay, kasabihan talaga ‘yan noon na kapag ang babae ay dumaan sa isang breakup, pinagdidiskitahan niya ang kanyang buhok.

Bukod kay Karla, marami rin ang nakapuna na nagpa-bangs din si Jodi Sta. Maria nang maghiwalay sila ng boyfriend niya for eight years na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Jolo suportado ang mga kamag-anak sa pagtakbo!

Isa sa malalapit kay Jolo ang nag-deny na may bago na itong nililigawan.

Abala raw ito sa kanyang muling pagtakbo at sa pagtulong sa pangangampanya para sa tatay niyang si former Senator Bong Revilla Jr.

Kahit na nasa loob pa ng Custodial Center ng PNP si Bong, mataas ang chance na manalo siyang muli ayon sa survey. And who knows, baka makamit na niya ang hinihingi niyang kalayaan kung pagbibigyan ng Diyos ang kanyang dasal para muling makasama ang pamilya sa darating na Pasko at Bagong Taon.

Katulad ni Bong, sinusuportahan din ni Jolo ang kandidatura ng kanyang ina na si Lani Mercado na running din for re-election as Bacoor City Mayor. Sinusuportahan din niya ang iba pa niyang relatives tulad nina Strike Revilla na kanyang uncle who’s also running for re-election as Bacoor Representative, Rowena Mendiola bilang konsehal ni Strike, Marlon Bautista na running sa party list ng IPacman and of course, his Auntie Andrea Bautista who is running as Antipolo City Mayor.

Giselle hindi pa nakaka-move on sa pagkamatay ni Rico

Grabe ang pagiging apektado ng writer/performer na si Giselle Sanchez sa ‘di inaasahang pagpanaw ni Rico J. Puno.

Marami kasi ang naitulong ni Rico J. kay Giselle lalo na sa showbiz career nito noong nagsisimula pa lamang siya.

May concert din sana ang dalawa kasama sina Marissa Sanchez at Rico J.’s daughter Tosca Puno sa November 23 sa Theater at Solaire.

Plano raw sana ni Rico J. na imbitahan si John Lloyd Cruz para maka-duet.

Naging close ang dalawa dahil gumanap bilang anak ni Rico J. si Lloydie sa sitcom na Home Sweetie Home. Kasama rin nila sa cast sina Toni Gonzaga, Sandy Andolong, Clarence Delgado at Miles Ocampo.

Although sinabihan na si Rico J. ng kanyang doktor to take it easy, binigyan naman siya nito ng go signal to proceed with the concert kaso nga lang wala na siya.

Sana Tatlo Ang Puso Ko ang title sana ng kanilang concert.

Ngayon na ang libing ni Rico J. sa Heritage Park.

Please rest in peace, Rico J.

Imelda nanghinayang na hindi natulungan si Rico

Sa press launch ng kanyang latest endorsement na ImuRegen supplement, sinabi ni Imelda Papin na sa Theater at Solaire rin ginanap ang huling concert nila ni Rico J. na naganap noong February 2017.

Noon pa man daw ay napansin na nila na may kakaibang dinaramdam si Rico J., kaya labis ang panghihinayang niya na hindi niya nai-suggest dito ang supplement na iniendorso, ang ImuRegen na mula sa Healthy Products, Inc.

Halos magkasabay daw na namayagpag ang singing career nila ni Rico. They shared the honor of being know as Jukebox King and Queen.

Pareho rin silang dalawa na pumasok sa pulitika. For a while, alam naman nating nag-serve si Rico J. sa Makati bilang konsehal.

Si Imelda naman na kasalukuyang presidente ng Actors Guild of the Philippines at Kapisa­ nan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) ay tatakbo bilang Vice Governor ng Camarines Sur sa May 2019 elections.

Pangatlong pagkakataon niya nang tatakbo sa same position since twice niya nang hinawakan ang nabanggit na tungkulin.

vuukle comment

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with