^

Pang Movies

Ellen at John Lloyd chill chill sa supermarket

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ellen at John Lloyd chill chill sa supermarket
John Lloyd

May tsismis na naman, nakita raw sa isang supermarket sina John Lloyd Cruz at si Ellen Adarna. Eh ano ba naman ang bago roon, natural kailangan ding kumain noong mga tao. May mga kailangan din naman silang bilhin sa supermarket. Kung magkasama man sila, eh talaga namang nagsasama sila at may anak silang dalawa. Hindi nga lang sila kasal, pero nagsasama sila.

 

Kung iisipin mo nga, ano pa ba ang pakialam natin sa mga bagay na iyon? Maliwanag namang walang pakialam si John Lloyd ano man ang sabihin tungkol sa kanya. Maliwanag din na parang sinasabi niyang wala siyang panahon sa mga intriga, after all pinangangatawanan niya na ayaw na niya sa showbusiness, bakit pa nga ba natin pinagpipilitan?

Pabayaan na ninyo siya sa tahimik niyang buhay, ang dami namang ibang artista eh.

Janella mas madaling ihanap ng bagong loveteam

Bago ang kanilang show sa Canada, sinabi ng mga handler nina Janella Salvador at Elmo Magalona na natatakot sila dahil alam naman nilang at odds na ngayon ang dating magka-love team, pero siyempre hindi na nila makansela ang show dahil matagal nang nakakontrata. Hindi naman sila puwedeng basta magpalit ng stars sa kanilang show.

Natuloy ngang sumama sa show ang magka-loveteam, pero mapapansin mo na totoo ngang wala na silang pakialaman. Kahit na nga sila rin ang magkatabi sa picture, mapapansin mo na sweet sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, samantalang silang dalawa ay magkalayo talaga. Hindi na sila talaga puwedeng maging sweet kahit na pakitang tao lang.

Palagay rin naman namin, base sa mga pinalabas na niyang statement, desidido na si Janella na huwag nang makipagbalikan pa kay Elmo. Baka mas okay naman iyon, after all hindi pa naman ganoon kalakas ang following nila bilang isang loveteam kaya hindi mo pa rin panghihinayangan. Siguro kung ang loveteam nila ay kasing lakas ng KathNiel, magu­gulo pati ang management team nila. Eh sa ngayon mawala man ang kanilang love­team okay lang. Sa tingin din namin, baka nga mas may advantage pa si Janella sa nangyaring iyan.

Madali namang maihanap ng partner ang isang artistang babae. Mukha ring may kinilig sa mga tsismis na nakita silang magka-date ni Marco Gumabao.

Ang show na iyon sa Canada, support lang naman sila roon. Natural ang hahanapan na maging sweet at maging loving sa isa’t isa ay sina Daniel at Kathryn, kasi silang dalawa ang mas sikat. Pakialam ba nila kung hindi man nagkikibuan sina Janella at Elmo.

Aktor na pinagtaguan ang namatay na asawa, nangaliwa at may dating karelasyong bakla, gumagamit ngayon ng Bibliya para mangaral

Grabe talaga ang kuwentong narinig namin tungkol sa isang aktor at sa naging misis niya. Okay daw naman sila, pero nang may makitang ibang babae ang aktor, bigla na lang niyang iniwan ang asawa niya. Kahit daw nang magkasakit at mamatay si misis, ni hindi pinuntahan ni aktor at pinagtaguan pa. Kasi noong panahong iyon may ka-live in naman na  isang sexy star ang aktor na iyan, at nakatira sila sa apartment na ang may-ari ay isang gay na karelasyon din ni aktor. Kadiri naman.

Tapos ngayon nangangaral pa. Gumagamit pa ng Bibliya? Kadiri naman.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with