^

Pang Movies

Pagiging aktor ni Rico hindi rin malilimutan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pagiging aktor ni Rico hindi rin malilimutan
Rico J.Puno

Naging matahimik naman at maayos ang unang gabi ng lamay ni Rico J.Puno sa Sanctuario de San Antonio sa Makati. Nasunod naman ang kahilingan ng kanyang pamilya na bigyan sila ng pagkakataong maibuhos ang kanilang pagdadalamhati in private. Hindi muna pinayagan ang publiko sa unang gabi ng lamay, nguni’t may mga kaibigan ding tumuloy agad doon.

Kalaunan ay papayagan naman daw ang fans na makapagbigay ng kanilang last respect sa kanilang idolo. Wala pang sinasabi kung kailan siya ihahatid sa huling hantungan sa Heritage Memorial Park sa Taguig din.

Buong maghapon, at hanggang kahapon ay laman ng lahat ng mga balita ang pagyao ni Rico. Naglabasan ang napakaraming mga kuwento mula sa mga celebrities mismo na nagpahayag ng kanilang naging karanasan kasama ang singer-actor. Halos nakalimutan na nga na may mga pelikula ring ginawa si Rico bilang isang artista. Lumalabas din siya sa mga sitcom at serye sa telebisyon. Pero mas kilala siya talaga bilang isang concert performer. Marami nga ang nanghihinayang na hindi na matutuloy ang kanyang concert sana sa November 23.

Medyo late na nang lumabas ang detalye ng kamatayan ng music icon. Binawian siya ng buhay, ayon sa death certificate niya ng 1:56 ng madaling araw noong Martes at ang sanhi ay cardiac arrest. Kahit na sumailalim na siya ng multiple bypass ­ilang taon na rin ang nakaraan, sinasabi ngang humihina pa rin ang kanyang puso kaya noong Agosto ay kinabitan na siya ng isang pacemaker. Subali’t dahil sa kanyang diabetes, hindi talaga mapigil ang mga kumplikasyon.

Lahat ng iba pang mga music icons ay nagpahayag ng kanilang kalungkutan sa pagyao ni Rico, na tinatawag nilang isang “legend” sa musika. Nirebolusyon ni Rico ang musikang Pilipino noong early seventies na siyang nagbigay daan sa OPM at sa iba pang mga sikat na singers ngayon. Noong panahon ding iyon nagsimulang lumaban ang original Pilipino music sa mga plaka ng mga foreign singer, na dati kailangang kopyahin ng mga Pinoy para sila mapansin.

“Kung wala si Rico, ganoon pa rin siguro ang kalagayan ng musikang Pilipino hanggang sa ngayon,” sabi ng isang kilalang record producer.

Jao nagpakita na magiging mahusay na pintor

“Kagabi ko lang ginawa iyan,” sabi sa amin ng actor na si Jao Mapa, nang ipadala sa amin ang picture ng isang painting na kanyang ginawa. Fine arts graduate naman kasi si Jao at talagang mahilig magpinta. Kasama ang iba pang mga artist mula sa Angono, Rizal, magkakaroon sila ng exhibit sa SM Angono simula sa Linggo, November 4.

Nakita na namin ang maraming trabaho ni Jao bilang isang painter, karaniwan ay nagpapakita ng kaugaliang Pilipino, kagaya ng karaniwang tema ng mga Angono artist. Mahusay ang kanyang style na karaniwang ginagawa niya gamit ang oil, water color at may nakita rin kaming trabaho niya na acrylic ang ginamit. Palagay namin, darating ang araw na kikilalanin si Jao bilang isa sa pinaka mahusay na pintor.

Baguhang artista sariling sikap mula nang nasira sa sex video

Kawawa rin ang isang newcomer. Kung kani-kanino siya nanghihiram ng mga damit, kinukunan ng pictures ang sarili, sa paghahangad na mapansin siya at makuha ring model. Kasi sana nagsisimula na ang kanyang career nang masira siya ng isang kumalat na sex video na siya rin naman ang may gawa.

Ang malas naman mukhang wala nang nagkaka-interest na pumansin sa kanya.

vuukle comment

RICO J.PUNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with