^

Pang Movies

OPM hitmen tinitilian pa rin

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
OPM hitmen tinitilian pa rin

Kahit hindi ko napanood ang concert ng mga magagaling na male singers na ito, masasabi ko pa ring idol na idol ko sila at walang tatalo sa galing nila.

Ang tinutukoy ko ay sina Richard Reynoso, Rannie Raymundo, Chad Borja at Renz Verano at ang concert nilang The OPM Hitmen Live!.

Marami pa rin ang tumatangkilik sa kanila kahit na alam naman nating napakaraming batang singers ngayon at may potensyal.

Katatapos lamang ng concert nilang ito noong October 27 sa Music Museum kung saan dapat ding palakpakan ang kanilang producer na isa sa magaling na manunulat, kolumnista, fighter pero loveable at pusong mamon na si Cristy Fermin. Galing ng pulso mo tsuppatid! At ito na nga, nalaman din namin na after ng kanilang concert, naimbitahan naman sila sa Wowowin para mag-perform.

Kitang-kita mo ang audience kung paano sila magtititili! Ibig sabihin hindi pa sila laos, buhay pa rin ang mga pinasikat nilang kanta.

Nagbago man ang anyo nila at medyo nagka-edad at lumapad, dahil mayaman na sila, pero magagaling pa ring kumanta.

Bukod sa pagiging OPM hitmen, ang apat naggaguwapuhang kalalakihan na ito ay mga successful businessmen na rin at masaya na sa kani-kanilang buhay.

ABS-CBN tuloy pa rin sa pagpapalabas ng magagandang pelikula

Bale nakatatlong panood ako sa TFC October feast movies ng ABS-CBN. For curiosity at kasiyahan, watching ang inaatupag ko pag nasa baahay lang.

Ang Corpus Delicti, Cry No Fear, Write Moment at Bakwit Boys ang ilan sa mga napanood ko at well, magaganda nga at sobrang naaliw ako sa panonood.

Feeling ko ay nasa sinehan talaga ako. Abangan natin kung anong mga movies ang ihahandog ng ABS-CBN sa TFC channel ngayong month of November.

vuukle comment

OPM HITMEN LIVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with