^

Pang Movies

Sarah inaabangan kung magiging mainstay na sa EB

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sarah inaabangan kung magiging mainstay na sa EB
Sarah & Maine

Nag-enjoy si Sarah Lahbati nang siya naman ang papuntahin sa barangay para maging co-host nina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros sa sugod-bahay ng Juan For All All For Juan. Kaya naman ang mga fans nagri-request kung pwede na raw ma­ging mainstay si Sarah sa Eat Bulaga.

 

Sa Kapuso Network naman talaga nagsimula si Sarah dahil siya ang ultimate female winner ng StarStruck 4 noon. Happy naman siya sa mga ginagawa niya at ipinapagawa sa kanya sa longest-running noontime show.

Serye nina Kyline at Therese, bigating artista ang mga kasama sa cast

Ang bongga ng casting ng malapit nang simulang teleserye sa GMA-7 na Inagaw na Bituin na pagbibidahan nina Kyline Alcantara at Therese Malvar.

Pinagsama-sama kasi ang mga mahuhusay na artista ng GMA na nagmula sa mga top-rating shows nila.

Nangunguna sa cast sina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz na pawang mga tampok sa afternoon prime na ika-6 Na Utos, Si Marvin Agustin na mula sa drama series na Kambal-Karibal, si Gabby Eigenmann na mula naman sa top-rating afternoon prime drama series na Contessa. Si Migo Adecer na magiging leading man nina Kyline at Therese ay mula naman sa top-rating afternoon prime na Ika-5 Utos na napapanood pa ngayon sa GMA 7. Kasama pa rin sa cast sina Angelu de Leon, Renz Valerio at marami pang iba,.Si Direk Mark Reyes ang magha-handle sa serye, na excited din dahil first time niyang magdidirek ng isang soap sa afternoon prime block. At siguradong labanan naman ito ng acting sa dalawang young star na sina Kyline at Therese.

Andrea iniyakan ang gintong buhok

Iniyakan pala talaga ni Andrea Torres ang eksena niya sa Victor Magtanggol na kailangan niyang magsakripisyo bilang ang diosang si Sif.

“Nang mabasa ko pa lamang ang script na puputulin ang mahabang gold hair ko, nagka-goose bump na ako. Dahil doon, mawawalan na ako ng power at ang isa pa, mawawala na sa akin ang kabatuhan ko sa eksena na si Ratty,” sabi ni Andrea. Napapanood ang Victor Magtanggol pagkatapos ng 24 Oras.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with