^

Pang Movies

Anthony at Sam, two weeks pa lang ang relasyon

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Anthony at Sam, two weeks pa lang ang relasyon
Anthony Semerad at Sam Pinto

Hiwalay na pala si David Semerad sa long-time girlfriend niyang si former Miss World Philippines 2011 Gwendoline Ruais about two months ago na.

Ang balita ko, pati ang twin-brother ni David, si Anthony Semerad, na PBA player din, hiwalay na sa non-showbiz girlfriend nito na si Andrea.

Tumagal din ng nine years ang relasyon nina Anthony at Andrea at marami ang nag-akalang mauuwi ‘yon sa kasalan.

Ngayon, very open na si Anthony sa relasyon nila ni Sam Pinto.

Ang sweet nga ng mga ipino-post nila sa Instagram accounts nila.

Obvious na sobrang inlove sila sa isa’t isa.

Kuwento ng isang friend ni Anthony, two weeks na raw yata ang relasyon ng dalawa.

“They met (Anthony and Sam) in a party and they started dating. They became official two weeks ago lang yata,” sabi ng kausap ko.

Bago raw si Anthony, may idine-date si Sam, isang rich foreigner na guwapo rin daw, pero na-inlove nga raw si Sam kay Anthony.

Tsika pa ng source ko, “They plan to go to Australia for Christmas holidays (nandoroon ang pamilya ng Semerad twins)!”

Kung si Anthony raw ay masaya ang love life ngayon dahil kay Sam, si David naman daw ay parang gustong maging single muna.

Si Gwendoline naman ay balitang nasa Paris, France na raw.

Well, Ateng Salve, ganyan talaga ang buhay, parang wala talagang forever, huh!

Carla at Tom next year na magpapakasal

Kung zero ang love life ni David, si Roi Vinzon naman sa drama/comedy primetime series ng GMA 7, ang Pamilya Roces, tatlo ang babae, sina Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa at Anna Roces.

Noong araw, naging chickboy rin naman ang dating action star na marami rin namang pinagbidahang action mo­vies.

Anyway, marami ang naaaliw sa sitwasyon ng tatlong “pamilya” ni Roi sa Pamilya Roces, kaya naman hindi nakakapagtakang tinututukan ang series na ‘yon ng Kapuso network, huh!

Oo nga pala, isa si Carla Abellana sa stars ng Pamilya Roces at kahapon ay nakisaya siya Kapuso Mall Show in SM City Bacolod bilang promotions na rin ng bago nilang show.

Natuwa raw si Carla nang binabanggit na ng mga tao roon ang pangalan niya sa Pamilya Roces.

Oo nga pala, may mga nagtatanong – ano na raw kaya ang nangyari sa balitang next year na  magpapakasal si Carla sa boyfriend niyang si Tom Rodriguez?

Well…

Zion at Baeby Baste natuwa at naiyak sa kani-kanilang pambato

Noong Saturday ang grand finals ng Hype Kang Bata Ka! ng Eat Bulaga.

Nakakaaliw si Baeby Baste dahil naiyak talaga siya after na i-announce na ang winner ay si Moses at talo nga si Zipporah na sila ni Pia Guanio ang coach.

Siyempre, type ni Baeby Baste na manalo si Zipporah at sobrang nag-expect siya.

Si Zion naman na kasama ng nanay niyang si Sarah Lahbati, bago pa i-announce ang winner sa contest na ‘yon ay panay na ang sigaw ng pangalan ni Moses.

Kaya nang si Moses nga ang maging grand winner, dialogue talaga ni Zion, “I won!”

Feeling ni Zion ay siya na rin ang grand winner sa Hype Kang Bata Ka! dahil tama nga siya ng kinampihan, huh!

vuukle comment

ANTHONY SEMERAD

SAM PINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with