^

Pang Movies

Regine sabik sa reunion kina Piolo at Aga

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Regine sabik sa reunion kina Piolo at Aga
Aga Muhlach

Ngayong true-blooded Kapamilya na si Regine Velasquez-Alcasid, inamin niyang hindi na raw siya makapaghintay na makagawa ng pelikula with ABS-CBN, Star Cinema or Black Sheep.

Well, kahit saan naman daw basta ang hangad niya ay makatrabaho muli si Piolo Pascual. At kung magkakaroon pa raw ng pagkakataon, gusto rin daw niyang magkaroon ng reunion movie with Aga Muhlach.

Sila ni Aga ay nagkaroon ng tatlong pelikula noon, nung sila ay mga single pa.

Lahat ng pelikula nilang produced by Viva Films ay box-office hits at ito ay ang Dahil May Isang Ikaw, Pangako Sa ‘Yo and Of All The Things.

Ganunpaman, eager daw si Regine na masimulan na ang first project niya with the network.

Magkakaroon siya ng isang sitcom na may kantahang magaganap, kasama ang kanyang asawa na si Ogie Alcasid at Ian Veneracion.

Kasama sa kanyang two-year-contract ay ang pagiging parte ng isang reality show at performing in the musical variety show Sunday na ASAP.

Ngayon ay nasa Sydney, Australia siya with members of ASAP and she is expected home anytime soon.

Zeus totodo sa paghuhubad sa concert

Tinaguriang ‘God of the Dance Floor’ si Zeus Collins dahil sa ang­kin niyang abilidad sa pagsayaw. At ngayon nga ay magkakaroon na siya ng concert, which he promises na magiging bigger, better and bolder na may title na The Dance Machine Concert.

Who knows daw? Baka maghubad siya rito ng todo dahil fit na fit daw ang feeling niya sa sarili.

Sa November 3 na nakatakda ang nasabing concert at gaga­napin ito sa SM Skydome. Special guests niya ang mga kasamahan sa It’s Showtime tulad nina Dawn Chang, Ryan Bang and Hashtag members, Nikko Natividad, Paulo Angeles, Jimboy Martin, Charles Kieron, Jameson Blake at marami pang iba. Featured din ang young dancing talent na si Lady Pipay na sikat na performance sa YouTube. So far, meron na siyang 350,000 views sa latest niyang video.

Ang dancer-choreographer na si Nesh Janiola ang siyang direktor ng nasabing concert.

Julius pinanindigan ang pag-ayaw sa pulitika

Tinupad ni TV and radio anchor/newscaster na si Julius Babao ang kanyang pangako na hindi siya tatakbo for public office, kahit na alam naman ng lahat na malaki ang posibilidad niyang manalo.

Feel kasi ni Julius, fulfilled na siya somehow sa kanyang profession.

Sobrang busy niya na kasi sa kanyang mga gawain. Bukod dito, he also reports news noontime on DZMM.

Pagsapit naman ng hatinggabi, kasama niya si Karen Davila na mag-newscast sa Bandila. At tuwing Monday naman ay sa Mission Possible.

Co-host din siya ni Zen Hernandez sa weekend radio show ma Magandang Morning with Julius and Zen.

Proud daw si Julius with his program kasama si Zen, dahil nakakapag-interact  siya sa kanyang listeners at natutulungan din nila at the same time.

Julius is married to former TV entertainment reporter, Tintin Bersola kung saan nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Antonio at Antonia.

Maricel at Vilma kay Edu lang nagkapareho

Hulaan n’yo kung ano ang pagkakapareho nina Lipa Representative and Star for All Season, Vilma Santos, and actress Maricel Soriano?

Pareho silang ikinasal kay San Juan City candidate, Edu Manzano.

Si Ate Vi ay kasal na ngayon kay Senator Ralph Recto, pero nagkaroon sila ni Edu ng anak, ito na ngayon popular TV host na si Luis Manzano.

Si Maricel naman ay hindi na nagpakasal muli pero nanay na siya sa da­lawa niyang anak na lalaki.

Kina Ate Vi at Maricel, si Maricel ang active pa rin sa showbiz. Meron siyang serye ngayon kasama si Angel Locsin at Albert Martinez, ang The Ge­neral’s Daughter hindi pa umeere.

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with