^

Pang Movies

Dra. Vicki nag-iisang pinay na ambassador ng sosyal na relo sa Italy

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dra. Vicki nag-iisang pinay na ambassador ng sosyal na relo sa Italy
Vicki Belo

Out of the country si Dra. Vicki Belo dahil nagpunta siya sa Milan, Italy bilang nag-iisa na Pinay na napili na ambassador ng isang sikat na brand ng relo at alahas.

Para kay Vicki, karangalan para sa Pilipinas ang pagpakakapili sa kanya na ambassador kaya hoping siya na ipinagmamalaki rin siya  ng mga kababayan natin.

“So humbled to be alongside all these amazing women as the newest ambassadors.

“I hope I’m making the country proud by being the only Filipina representative. These women were chosen for their  notable achievements in their respective fields.

“We have representatives from Portugal, Lebanon and Romania. There’s an amazing bag designer, a fierce lawyer and of course, me, the beauty doctor,” ang pralala ni Vicki tungkol sa bagong achievement niya.

Benjamin balik-trabaho na

May mall show ngayong hapon ang cast ng Kapag Nahati ang Puso.

Supposedly, kasama si Benjamin Alves sa mall show pero namatay ang tatay niya noong October 8 kaya sina David Licauco at Bea Binene na lang ang makakapiling ng fans.

Bukas nang gabi pa ang balik ni Benjamin mula sa Guam at sa Lunes, magre-report na siya sa taping ng Kapag Nahati ang Puso.

Lumipad si Benjamin sa Guam noong Miyerkules para sa burol at libing ng kanyang ama na binawian ng buhay dahil sa heart attack.

Masyadong dinamdam ni Benjamin ang biglaan na pagpanaw ng tatay niya at tama ang kanyang desisyon na bumalik agad sa Pilipinas. Makakatulong ang pagiging busy ni Benjamin  para mabawasan ang sadness na nararamdaman niya.

Cong. Em, may exhibit sa lupus

Ngayong gabi, 6 pm, ang opening ng Scarred But Not Scared, ang photo exhibit na itinataguyod ni Congresswoman Emmeline Aglipay-Villar.

Ang Hope for Lupus Foundation ang beneficiary ng photo exhibit na magaganap sa second floor ng Exhibit Hall ng Greenbelt 5 sa Makati City.

Nagkaroon ng awareness ang mga Pilipino tungkol sa Lupus dahil kay Congresswoman Emmeline Villar. May lupus din ang asawa ni DPWH Secretary Mark Villar kaya alam niya ang mga pagsubok na pinagdaraanan ng mga lupus victim na natutulungan ng Hope for Lupus Foundation.

 Isko tuloy ang paglaban kay Erap

Nag-resign na si Isko Moreno bilang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development dahil buo na ang desisyon niya na kumandidato na mayor ng Maynila sa May 2019 elections.

Magiging makulay at maingay ang halalan sa Maynila dahil mga showbiz personality ang magkalaban, si incumbent Manila City Mayor Joseph Estrada at si Isko na nanungkulan noon bilang bise-alkalde ni Papa Erap.

Lani ikakampanya si Bong

Nag-file na kahapon si Lani Mercado ng Certificate of Candidacy niya dahil tatakbo uli siya na mayor ng Bacoor City sa eleksyon sa susunod na taon.

Maganda ang performance ni Lani mula nang manilbihan ito bilang ina ng Bacoor City noong 2016 kaya love na love siya ng constituents niya.

Kakandidato uli na senador si Bong Revilla Jr., ang loving husband ni Lani pero hindi ko pa alam kung sino ang magiging representative niya sa filing ng kanyang Certificate of Candidacy sa Comelec, Intramuros, Manila.

Tiyak na si Lani ang mangangampanya para kay Bong dahil hindi naman ito puwedeng lumabas sa selda niya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

vuukle comment

VICKI BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with